2025
Habang walang makuhang laban sa boxing ring, nabaling ang focus ni Manny Pacquiao sa political ring.
Yes, tatakbo ulit si Pacquiao next year. Balik-senado ang target ng ating Pambansang Kamao.
Dehins surprising dahil kahit natalo sa pagka-presidente noong 2022, dehins naglaho ang bula niya.
In fact, sa huling survey ng Pulse Asia, pang-anim pa rin si Pacquiao among senatorial candidates.
Ilan lang ang nasa taas niya, kasama si Erwin Tulfo, Tito Sotto, ang dating pangulo na si Rodrigo Duterte at Sen. Bong Go.
Matindi pa din ang recall ni Pacquiao especially sa masa. Kaya sa susunod na halalan, llamado pa din sa Top 10.
Kinumpirma ni Pacquiao noong Biyernes ang kanyang pagtakbo next year.
Na-ambush interview siya sa isang gathering sa General Santos City, kung saan binati siya ni BBM bilang “magbabalik na senador.”
Kaya huwag na din kayo magulat kung sa darating na eleksyon ay kabilang si Pacquiao sa senatorial ticket ni BBM.
“Yes, yes,” ang sagot ni Pacquiao sa reporter.
Teammates na sila.
- Latest