Julia bumigay ang katawan, nakalabas na ng hospital!
Nakalabas na ng hospital si Julia Barretto.
Wala naman siyang binanggit kung anong naging sakit niya at kung ilang araw siya sa hospital.
Pero ang paalala ng kanyang mommy Marjorie Barretto, magkaroon siya ng maraming pahinga.
“So happy you are home. Health is wealth. More and more rest please. God is good. Love you, Julia.” paalala ng kanyang mommy.
Nag-post nga si Julia ng pasasalamat sa mga nag-alaga sa kanya sa hospital.
Pero parang ayaw na niyang magbigay ng detalye ng kanyang naging karamdaman.
“Discharged and finally home Thanks so much to my doctors, nurses and the entire medical staff for taking such good care of me the past couple of days. Thank you for the long hours of hard work. A tough time but taking this one as a reminder that our health should always be top priority Sending good energy!!!”
Marami naman kaagad nagbigay ng get well soon messages sa actress na hindi ginagawang diary ang social media.
- Latest