^

Probinsiya

Konsehala sa Cavite, mister arestado sa CIDG raid!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Konsehala sa Cavite, mister arestado sa CIDG raid!
inilala ang mga ina­resto na sina Maria Theresa B Puno, 58-anyos, councilor ng Naic, Cavite; asawa nito na si Joselito M Puno, 59; kapwa ng Sitio Lontoc, Brgy. Timalan Balsahan, Naic, at ang dalawa pang kasamahan na sina Jerone Gabelo 36, ng Pasinaya Prime South, Brgy. Sabang, Naic, Cavite at Jonard Crispo Adan, 35, residente ng Brgy. San roque, Daet, Camarines Norte.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

23 pekeng pulis sumalisi sa pagnanakaw

CAVITE , Philippines — Arestado ang isang aktibong konsehala, mister nito at dalawa pang kasama matapos ang isinagawang pagsalakay ng PNP-Criminal Investigation and Dtection Group (CIDG) dahil sa illegal na pag-iingat ng mga armas sa kanilang tahanan, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Timalan, Balsahan Naic,

Kinilala ang mga ina­resto na sina Maria Theresa B Puno, 58-anyos, councilor ng Naic, Cavite; asawa nito na si Joselito M Puno, 59; kapwa ng Sitio Lontoc, Brgy. Timalan Balsahan, Naic, at ang dalawa pang kasamahan na sina Jerone Gabelo 36, ng Pasinaya Prime South, Brgy. Sabang, Naic, Cavite at Jonard Crispo Adan, 35, residente ng Brgy. San roque, Daet, Camarines Norte.

Sa ulat ng pulisya, alas-3 ng hapon ng ilatag ng CIDG Southern MM DFU, NCR RFU CIDG at Naic Police ang pagsalakay laban sa mag-asawang Puno s sa ilalim ng OLEA at Oplan Paglalansag Omega, bitbit ang search warrant na inisyu ni Judge Glenda Mendoza- Ramos, Executive Judge, RTC Branch 36 ng Calamba City dahil sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms.

Narekober sa bahay ng mga suspek ang iba’t ibang uri ng mga baril, magazines at mga bala.

Samantala, habang nasa kustodya ng pulisya ang konsehala at mister, sumalisi naman at pinasok bandang alas-7 ng gabi nitong Sabado ng may 23 lalaki na nagpangggap pang mga pulis ang kanilang bahay na unang ni-raid ng CIDG.

Pagpasok sa bahay, hinanap si “Mrs. Puno” at nang ‘di makita ay agad nilimas ng mga suspek ang mga pera at mahahalagang gamit ng pamilya at sinira pa ang ibang kagamitan ng konsehala bago nagsitakas ang mga suspek

Ang mga suspek ay sakay umano ng anim na iba’t ibang uri ng sasakyan at dire-diretsong pumasok sa bahay ng konsehala.

Kabilang sa mga natangay ay isang susi ng Toyota Grandia (DBA 7865), susi ng  Mitsubishi Montero Sport, mamaha­ling speaker, drum set,  Brand New Aircon na may halagang P24,000, DSLR M50 Canon camera at isang bag na naglalaman ng P500,000.

Ayon naman pulisya, agad nilang naaresto ang mga suspek na pawang mga sibilyan at sinampahan ng mga kasong robbery, malicious mischief, threat, at usurpation of authority.

Narekober ng awtoridad ang Toyota Fortuner (ZFG886) na ginamit ng mga suspek, dalawang tricycle, isang Suzuki MC (DC 66876), Honda Click motorcycle (54UND) at Yamaha NMax.

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with