^

PSN Palaro

Letran pinigil ang Lyceum

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Minantsahan ng Letran ang malinis na karta ng Lyceum of the Philippines nang akbayan sila ni rookie sensation Gia Maquilang sa 24-26, 25-20, 25-22, 25-22 panalo sa NCAA Season 99 women’s volleyball tournament na nilaro sa FilOil EcoOil Centre, kahapon.

Umiskor si Maquilang ng double-double outing na 18 points kasama ang 16 digs at walong receptions para tulungan ang Lady Knights na tuldukan ang two-game losing skid nila.

Natisod sa unang set, pero bumangon agad ang Intramuros-based squad, Letran upang tuhugin ang tatlong natitirang sets at ilista ang 5-2 karta at manatiling nasa No. 3 spot sa team standings.

Bagama’t talo, solo pa rin sa No. 2 ang LPU na may 6-1 record.

Dikitan ang naging labanan sa set four, labasan ng husay ang players ng dalawang koponan kung saan ay nagtabla ang iskor sa 19-all pero naging mabalasik ang Lady Knights, kumana ng back-to-back service aces at isang malutong na palo ni Maquilang upang hawakan ang bentahe, 22-19.

Hindi basta nagpadaig ang Lyceum, pumalo da­lawang puntos mula kay Venice Puzon para tapyasin sa isa ang hinahabol, 21-22 pero determinado ang Letran kaya nakuha ang panalo sa apat na sets.

vuukle comment

LETRAN

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with