10 Rehiyon, P6.5-B ang pinsala sa El Niño
MANILA, Philippines — Tinatayang nasa P6.5 bilyon ang pinsala ng El Niño phenomenom sa sektor ng agrikultura sa 10 rehiyon sa bansa.
Ito ang iniulat nitong Miyerkules ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at kabilang sa mga apektadong rehiyon ay ang Cagayan Valley, Cordillera, Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region art SOCCSKSARGEN (South Cotabato, Cotabato City, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City).
Sa Cagayan Valley ay umaabot sa P4.96 bilyon ang pinsala sa agrikultura; Cordillera P934.9 milyon; Davao Region P410.1 milyon; Zamboanga Peninsula P95.8 milyon at Bicol Region P 3.48 milyon.
Habang sa Central Visayas ay nasa P22.77 milyon; CALABARZON P19.7 milyon; Western Visayas P14.58 milyon; Soccsksargen, P12.57 milyon at Central Luzon, P1.88 milyon.
Iniulat ng NDRRMC na ang kabuuang naapektuhang magsasaka at mangingisda ay tumaas naman sa 215,386 katao.
- Latest



















