^

Police Metro

19-anyos na adik, ipinahuli ng sariling ina

Artemio Dumlao - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mismo ang sariling ina ang nagsumbong sa pulisya na gumagamit ng shabu ang kanyang anak sa isang barung-barong nagresulta sa pagkakaaresto nito sa Barangay Ipil, Tabuk City, nitong Martes ng gabi.

Ayon sa Kalinga Police Provincial Office, alas-6:50 ng gabi noong October 13 nang rumes­ponde ang mga pulis sa natanggap na sumbong. 

Naaktuhan ng ina ang kanyang anak na karpintero habang guma­gamit ng hinihinalang shabu malapit sa kanilang tirahan.

Agad na humingi ng tulong ang ina sa isang pulis na kanilang kamag-anak, dahilan upang rumesponde ang mga tauhan ng Tabuk City Police.

Itinuro mismo ng ginang sa mga otoridad ang barung-barong kung saan umano naaktuhang gumagamit ng ilegal na droga ang kanyang anak.

Nasamsam sa operas­yon ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 1.75 gramo, gayundin ang mga drug paraphernalia.

Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya sa Tabuk City para sa dokumentasyon at paghahanda ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

ADDICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with