^

Police Metro

‘Papogi’ Cop, tinanggal na sa serbisyo ng Napolcom

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos mapatuna­yang guilty sa kasong multiple administrative charges kabilang na ang 2 counts ng Less Grave Misconduct, 2 counts ng Grave Misconduct, Oppression, at Conduct Unbecoming of a Police Officer ay tuluyan nang sinibak sa serbisyo ng National Police Commission (Napolcom) en banc si P/Corporal Simeon Dimaala Suan.

Ayon kay Napolcom Commissioner Rafael Calinisan na nag-ugat ang kaso noong Hunyo 2026 matapos mag-viral ang video ni Suan kung saan marahas niyang pinosasan at kinaladkad ang isang 76-anyos na senior citizen na driver kasunod ng isang minor traffic collision sa Taguig City.

Lalo itong naging mainit sa publiko nang personal niyang makaharap si Calinisan sa isang press briefing.

 Sa halip na humingi ng paumanhin, sinabihan pa ni Suan ang k­omisyuner ng: “‘Wag po tayong magpapogi sa media, sir,” na umani ng matinding batikos sa taumbayan at sa pamunuan ng pulisya.

Bukod sa dismissal, tinaggal din ng Napolcom ang benepisyo ni Suan gayundin ay hindi na pinapayagan pang magtrabaho sa alinmang ahensiya ng pamahalaan.

Inatasan din ng Napolcom en banc na padalhan ng kopya ng desisyon ang Office of the Bar Confidant dahil si Suan ay aplikante para maging miyembro ng Philippine Bar.

NAPOLCOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with