‘Injustice’ kay VP Sara ang pagbawi sa 3 articles of impeachment
MANILA, Philippines — Itinuturing ng kampo ni Vice President Sara Duterte na ang naging hakbang ng prosekusyon sa ginawang pagbawi ng tatlong articles of impeachment nitong Martes ay injustice at pag-deny ng due process dahil mistulang pinagkaitan ito ng pagkakataon na komprontahin ang mga akusasyon sa kanya at magprisinta ng counter evidence sa Senate impeachment court.
Sinabi ni Atty. Salvador Paolo Panelo Jr., tagapagsalita ni VP Sara na simula pa lamang ay wala nang basehan ang mga alegasyong ibinabato nila sa bise presidente.
Magugunita na binawi ng prosekusyon ang Articles I, III at IV ng impeachment kabilang ang alegasyon na maling paggamit ng confidential funds, bribery, at grave threats.
At isusulong na lamang umano nila ay ang Article II, na may kaugnayan sa pagkabigo ni VP Sara na ideklara ang kanyang assets at mag-divest ng business interests, at akusasyon ng ill-gotten wealth.
Kinuwestiyon din ni Panelo ang tila pananahimik ng senator-judges sa majority bloc sa pag-aaksaya ng oras ng prosekusyon, gayundin ng government resources para sa pagpiprisinta ng ebidensiya sa mga articles of impeachment na malaunan ay iwi-withdraw rin pala nila.
“The silence is deafening. Huwag naman kayong masyadong halata”, dagdag pa ni Panelo.
- Latest















