^

Police Metro

49 dayuhang pedopilya, pinatapon ng BI

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 49 dayuhan na sex offenders ang ipinatapon pabalik sa kani-kanilang bansa at ban na sa Pilipinas.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang naturang bilang ay naitala sa nakalipas na apat na buwan ng taon, o mula Enero hanggang Abril ngayong 2024, mas mababa sa 64 na naitala noong 2023.

Nangunguna sa bilang ng mga pedopilya ay ang mga Amerikano, 35; sumunod ang United Kingdom at pangatlo ang mga Aleman o Germans.

Nitong Enero 2024, inilunsad ng Immigration ang  Project #Shieldkids Campaign, upang maprotektahan mga kabataang Filipino laban sa mga sex predators na magtatangkang pumasok sa Pilipinas.

Naniniwala si Tansingco na naging deterrent ang naturang campaign sa mga fo­reign pedophiles na gustong magtungo sa bansa.

Nalaman din na ang mga dayuhang sex offenders at mga pedopilya ay may chat group and forum kung saan kanilang pinag-uusapan ang mga bansang pupuntahan kung saan mambibiktima sila ng mga kabataan.

vuukle comment

NORMAN TANSINGCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with