^

PSN Showbiz

Lolit Solis, kaya ulit ‘gumawa’ ng filmfest scam

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Lolit Solis, kaya ulit �gumawa� ng filmfest scam
Lolit Solis at mga Kaibigan
STAR/ File

Hindi talaga kami nagkaroon ng chance kay Paolo Contis na chikahan kahapon sa bonggang 77th birthday lunch celebration ni Nay Lolit Solis.

Pumayat nga si Paolo na iniintriga ng kanyang mga kritiko.

Nagkasakit kasi pala ang actor na isa talaga sa nagpasaya sa birthday celebration ni Nay Lolit dahil sa mga kuwento niyang binili nila ang kanyang contract noon sa dating talent manager para mai-handle ni Nay Lolit.

Pero nung alaga na raw ni Nay Lolit nagulo na ang buhay niya hanggang ngayon.

Hahahahaha.

Panggigisa pa niya sa manager, si Nay Lolit din ang nagkakalat ng mga negang kuwento sa kanya pero ito rin naman ang number 1 niyang tagapagtanggol.

Talagang tawanan ang lahat.

Anyway, ang saya-saya ng nasabing lunch party ni Nay Lolit na handog ng mag-asawang Sen. Bong Revilla and Congresswoman Lani Mercado.

Hindi nga lang present physically si Sen. Bong dahil namamahinga pa rin ito matapos ang operasyon sa Achilles tendon.

Present sa nasabing party ni Nay Lolit na first time nagkaroon ng big party sa buong buhay niya ang mga alagang sina Christopher de Leon and wife Sandy Andolong, mag-asawang Tonton Gutierrez and Glydel Mercado, Pauleen Luna kasama ang bunsong anak nila ni Vic Sotto na si Thia, Amy Austria, Councilor Alfred Vargas with brother Cong. PM Vargas, Nanette Medved, Benjie Paras, among others. Ganundin sina Antipolo Mayor Junjun Ynares and wife Andeng.

Present din sina Tirso Cruz III with wife Lynn Ynchausti, Sen. Jinggoy Estrada, Boy Abunda, Ali Sotto, former and current GMA bosses na sina Redgie Acuna-Magno, Lilibeth Rasonable, Marivin Arayata and si Wilma Galvante, Malou Choa-Fagar, Pat P. Daza, Butch Francisco, ang mga rich friend ni Nay Lolit na sina Ms. Alice Eduarto, Cris Roque at Rei Anicoche-Tan, at iba pang malalapit na kaibigan ni Nay Lolit sa showbiz.

Pero naging highlight ng celebration ang Fast Talk with Boy Abunda.

Yup, as in instant ang nasabing Fast Talk.

Talagang pinigil-pigilan ni Nay Lolit ang maiyak sa mga tanong ni Kuya Boy.

At inamin doon ng Nanay ng showbiz na ang biggest mistake raw na nagawa niya sa buhay ay ang Manila Film Festival scam noong 1994. Pero aniya ay hindi niya ito pinagsisihan.

“Siguro, if I will live my life again, gagawin ko ulit ‘yung scam,” aniya.

“Dahil dun ko napatunayan na mahal ako ako ng showbiz. Hindi ako iniwan ng mga alaga ko at ng mga kaibigan ko,” chika niya pa sa ginawang scam sa MFF 30 years ago.

Dagdag pa niya,  “Lahat ng alaga ko, ipinagtanggol ako. Lahat ng mga pinakitaan kong mabuti sa mga reporters, showbiz writers, ipinagtanggol ako. Kaya I did not feel alone that time.”

Aminado rin si Nay Lolit na sa showbiz siya yumaman.

Inaalala niya nung nag-umpisa siyang mag-showbiz ay nagbabalot siya ng mga pagkain para may maiuwi sa pamilya.

Ngayon, akala lang ng iba ay nangangailangan siya ng pera, pero hindi nila tiyak maiisip kung magkano ang nakatago niyang pera sa bangko.

Lahat ng mga alaga ni Nay Lolit ay nagpatunay na kahit harbatera ang kanilang manager, mabuti raw ang puso nito, generous, matulungin at loyal na kaibigan.

Happy birthday, Nay Lolit. We love you so much.

vuukle comment

LOLIT SOLIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with