^

Bansa

Kamara naghahanda na sa 3rd SONA ni Pangulong Marcos

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsimula ng maghanda ang Kamara sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa darating na Hulyo.

Ito’y alinsunod sa direktiba ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ikasa ng maaga ang ipatutupad na seguridad sa ulat sa bayan ng Pangulo.

Ayon kay House Secretary General  Reginald Velasco, sinimulan na ang Inter-Agency Coordination Meeting ka­makalawa na dinaluhan ng mga opisyal mula sa Kamara, Office of the President, Senado at iba pa.

“The objective of the coordination meeting is to stage a SONA that is better than last year,” pahayag ni Velasco.

Kabilang sa tinalakay ang scenario ng pagpaplano, room assignments, medical updates, preparasyon sa ple­naryo, pangangaswia sa seguridad, traffic rerouting at media coverage.

Ibinahagi naman ni House Sergeant-at-Arms ret. P/Major Gen. Napoleon Taas ang pagpaplano sa seguridad para sa event na kanilang pinaplantsa kung saan pokus nito ang detalye sa mas mahigpit na security protocols.

Iprinisinta ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Head of Special Events Emmanuel Miro ang para sa traffic at deployment at dito’y kabilang ang mga ruta para sa VIP, alternatibong ruta at road clearing operations.

Samantalang ang Senado ay kinatawan naman ni Senate Secretary Renato Bantug Jr, Senate office of International Relations and Protocol Director General Antonio de Guzman Jr., ay tiniyak sa SONA Task Force na ang Office of the Senate President at Senate Secretariat ay committed na makipagkolaborasyon sa Kamara at Office of the President para tiyakin ang tagumpay ng SONA.

vuukle comment

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with