^

Pang Movies

Sofia, takot pang pakasal kay Daniel!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sofia, takot pang pakasal kay Daniel!
Sofia at Daniel

Naging emosyonal si Sofia Andres nang matanong siya ni Karen Davila kung bakit hindi nito piniling makasal sa kasalukuyang partner na Cebuano race car driver na si Daniel Miranda.

Hindi niya inasahan ang tanong na iyon pero tumulo ang luha niya nang sagutin niya iyon.  “Siguro it’s not the time yet talaga (to get married). In God’s time. Married or hindi, you’ll will never know eh kung kayo ba talaga. Kasi may mga married nga na naghihiwalay pa rin. Meron namang hindi married na nagtatagal naman. In God’s time,” sagot niya.

Nanggaling din sa broken family ang tatay ng anak niyang si Zoe na si Daniel na nagmula sa mayamang pamilya ng mga Lhuillier.

Inamin naman ni Sofia na takot pa siyang magpakasal.

Common knowledge naman kasi sa showbiz ang mga hiwalayan kahit pa kasal na. Pero swerte naman daw niya dahil supportive ang partner niya at wala ito sa showbiz kaya wala rin siyang reklamo.

Hindi naman ito ang unang beses na matanong si Sofia tungkol sa pagpapakasal nila ng kanyang partner.

Pero noon pa man ay sinabi niya nang “Love is different for everyone. It’s true. But for me, a ring on my finger shouldn’t define our love for each other.”

Kung sakali man daw na magpakasal sila, iyon ay dahil gusto nila pareho at mahal nila ang isa’t isa. Ayaw raw nilang sirain ang relasyon na meron sila lalo na ngayon na may daughter na sila at iba pa rin daw ang merong kumpletong pamilya.

Bongga.

vuukle comment

SOFIA ANDRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with