^

Pang Movies

Alden, rarampa ulit sa Miss U!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Alden, rarampa ulit sa Miss U!
Alden

Si Alden Richards uli ang host sa coronation night ng 2024 Miss Universe Philippines happening on May 22, 2024 sa SM MOA Arena. Makakasama niya in hosting the event is 2022 Miss Universe R’ Bonney Gabriel.

Unang nag-host si Alden ng coronation night ng 2023 Miss Universe Philippines with Xian Lim at special guest si 2019 Miss Universe Zozibini Tunzi.

Natuwa ang fans ni Alden sa balitang ito at ang casual fans, inaabangan ang magiging interaction nila ni R’ Bonney Gabriel. Titingnan daw nila kung may chemistry sila at kung magiging magkaibigan even after the coronation night.

Pero ang bashers ni Alden, hindi masaya sa balitang ito, marami naman daw ibang puwedeng mag-host, bakit siya pa? Baka magkamali na naman daw ang aktor gaya last year na nagkamali siya sa pag-a-announce sa winner ng Miss Congeniality.

In fact, hinahanapan talaga siya ng mali at isa sa nakikitang paraan para siya ma-bash ay ang pagkaka-link kay Kathryn Bernardo.

May nabasa kaming comment na pinalalayo siya kay Kathryn bilang respeto raw kina Daniel Padilla at mom nitong si Karla Estrada.

May nag-akusa pa sa kanya na ginagamit daw niya ang kahinaan nito ngayon. Vulnerable raw ang aktres dahil sa breakup nila ni Daniel at sumingit sa eksena si Alden at napipilitan lang daw ito na maging sweet sa actress para sa kanyang career at part 2 ng Hello, Love, Goodbye.

Bea, huli ang pagnanasa ni Dominic kay Angeli!

Nakita na namin ang konek kung bakit isinali ang Vivamax A-lister na si Angeli Khang sa breakup nina Bea Alonzo at Dominic Ochoa. Nahuli raw kasi ni Bea si Dominic na nanonood ng Vivamax at nang mahuli ni Bea, movie ni Angeli ang pinapanood.

Hindi lang daw once nahuli si Dominic na pinapanood ang films ni Angeli sa Vivamax, nakarating ito sa press at ini-report na movie niya ang pinapanood, kaya nalaman ng tao. This anwers Angeli’s comment sa interview sa kanya sa Updated with Nelson Canlas kung bakit ramdam niyang pinagtitinginan siya ng tao kapag nakikita siya sa labas.

Michelle, markado na ni Whang Od!

Nagpa-tattoo si Michelle Dee kay Apo Whang Od at sa pinost na reels ng beauty queen, makikitang sa left upper arm siya nagpa-tattoo. All smiles ito na parang hindi nasaktan. Hindi pa nito ipinasilip kung ano ang ipina-tattoo niya.

Sabi ni Michelle, “Finally!! #APOxMMD #FILIPINAS #ApoWhangOd.

“Grateful for my team @personifi. io for making this trip with me. What an amazing way to start the month of May and my final days as your reigning queen (more to come) All love.”

Comment ng fan ni Michelle, may 8 tattoos na ito at isa ay gawa ng legend na si Apo Whang Od. In fairness, wala pa kaming nakitang tattoo niya, to think na pangwalo na pala niya ito.

May sobrang natuwa sa pagkikita nila ni Apo Whang Od dahil kung naalala, inspired ng tattoo ni Apo Whang Od ang suot na gown niya sa finals at coronation night ng 2023 Miss Universe na siya ang Philippine representative.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with