Pops, game sa mas batang jowa!

Hindi napilit si Pops Fernandez na sabihin kung kailan ang huling lovelife niya.
Ito ay nang subukan namin siyang paaminin kung in love siya sa kasalukuyan or kulang kailan siya huling na-in love.
Naka-ilang partner na nga naman ang ex-husband niyang si Martin Nievera na open sa publiko, pero siya walang inaamin publicly.
Pero ‘yun nga, walang kasawaan ang entertainment media na uriratin kung in love ba siya lalo na at parang hindi naman nadadagdagan ang edad ng OG Concert Queen.
At ang lagi niyang sagot: “I’m in love with life, in general. Pero gaya nga ng sinabi ko, darating din ‘yon. Hindi naman ako nawawalan ng hope. Hahahaha! Pero hindi rin naman ako sad.
“Kung mangyayari ‘yon, it will be such a welcome surprise. Because I also, eventually want to grow old with someone I can be with constantly, I can travel with, I can share with my miseries, and my blessings with,” sabi ni Pops na magce-celebrate ng kanyang 60th birthday this November at 40th year in showbiz sa pamamagitan ng isang concert sa Newport Performing Arts Theater na may pamagat na Pops sa Nov. 26.
Pero common knowledge ‘di ba na na-link siya kina Piolo Pascual, Aga Muhlach, etc. Pero kumbaga walang official statement doon si Pops.
But anyway, willing namang pumatol sa mas bata si Pops. “Napaka-ipokrita ko naman kapag sinabi kong ayoko sa bata. Eh, in the past, alam n’yo naman. Hahahaha!
“Siyempre ‘yung sakto lang. Sa akin kasi, it’s a matter of sino lang ang nababagay sa personality ko. Kailangan magkaintindihan kaming dalawa. Kasi mahirap mag-adjust. Parang hindi ko na rin kayang mag-adjust!” masaya pang sagot ni Pops na sa totoo lang ay hindi mo naman makikitang senior na siya this November at hindi na kailangang pangalan kung sinong naging jowa niya na mas bata ang edad sa kanya.
In fact, kung ang maraming kaedaran niya ay may mga maintenance medicine na, si Pops, kahit isa ay wala. Yup, you read it right.
Kaya naman thankful siya na healthy siya at active sa kabila ng pagdami ng mga singer and performer kasabay ng pag-evolve ng entertainment industry.
At sa tagal niya sa industriya, aniya, ilang beses na siyang sumubok na mag-retire. “I started in the business since 13. There have been many attempts na sinabi ko sa sarili ko na ‘ay ayoko na, pagod na ‘ko. Ay, ayoko na, parang ang dami nang stress.’ Parati kong sinasabi ‘yan lalo na nu’ng bata ako. ‘Ay gusto ko na mag-retire,’” pag-amin niya.
Pero dahil nasa sistema na niya, hinahanap daw ng kanyang katawan ang pagkanta. “Somehow, nami-miss ko siya. Somehow, pagkasabi ko no’n, a few months after, ‘ay, gusto ko pala ulit mag-work.’
“If you notice, hindi na po talaga ako nagso-show as much as I used to. All these shows that I’m doing is for special reasons and special occasions.
“So, masasabi ko po na semi-retired na ako, but to really say goodbye, again, baka hanap-hanapin ko rin, magsisi lang ako na sinabi ko na ‘ay sinabi ko, hindi na,’ ‘di ba?
“So, paminsan-minsan din po, babalik at babalik ako, magso-show ako whether it’s a big venue or a small venue,” paglilinaw ng Concert Queen.
Sa kasalukuyan ay pinaghahandaan niya ang kanyang anniversary/birthday concert na magaganap nga sa Nov. 26 kung saan magiging guest niya sina Vina Morales, Erik Santos, Jay Durias, Regine Velasquez, Martin Nievera, at si Ms. Helen Gamboa, sa direksiyon ni Calvin Neria at Homer Flores (music director).
Ang DSL Events & Production House, Inc., Echo Jham Entertainment Productions, Nexus Collaboration ang producers ng Pops!
- Latest
























