^

PSN Showbiz

Gandarang aktres, buwisit na sa mga paandar ng aktres na malakas ‘bumomba’!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nagpipigil ng galit si gandarang aktres na si Actress A kay tangkarang Actress B.

Dati ay pa-safe ang sagot ni Actress A kapag napapag-usapan si Actress B. Ngayon ay nagngingitngit na siya dahil sa inaasal ni Actress B.

Pinayuhan si Actress A ng close friends nito na maging kalma, at isaalang-alang na lang ang natatamong blessings.

Napapansin ng mga kaibigan nito na kapag may mga ipino-post sa social media na tila patama o may pasaring kay Actress B, nila-like niya ito.

May mga hanash kasi si Actress B na sweet-sweet-an ito at bait-baitan ang dating. “Stop me! Don’t me! Huwag niya akong paandaran dahil alam ko kung gaano kalakas siya bumomba!” talak ni Actress A.

Hindi namin ma-gets kung anong pambobomba ang tinutukoy ni Actress A.

Kung magsalita raw kasi itong si Actress B ay akala mo santa-santahang pagkalinis-linis. E alam naman daw ng mga taong nakakakilala dito kay Actress B kung gaano ito kalakas tumoma. “Toma lang ba?!” hirit ng ibang kaibigang nakakakilala sa dalawa.

“Hello, may resibo kung ano ang gawain niya kapag alak na alak siya!” talak uli ni Actress A.

Oh well! Depende kasi kung gaano ka kagaling mag-project sa public!

Diyan daw magaling si Actress B, dahil madalas na lumalabas na masama itong si Actress A gayung alam ng mga taong malapit sa kanila kung gaano ka-wild itong si Actress B.

Maglalabasan din naman ‘yan! Makibalita na lang tayo!

WilBea, napi-pressure!

Muling pinatunayan ng WilBea fans nina Wilbert Ross at Bea Binene na nandiyan sila at todo ang suporta sa lahat nang ginagawa ng kanilang idol.

Nasaksihan namin ito kung paano nila dagsain ang premiere night ng pelikula nilang Pee Mak na ginanap sa SM Megamall noong Lunes ng gabi.

Meron pa silang pinamigay na giveaway at snacks sa mga manonood. Pero hindi lang fans, kundi pati mga kaibigan nila ay sumuporta.

Sa Kapuso stars ay dumalo sina Barbie Forteza, Bianca Umali at Rodjun Cruz.

Marami pa rin kasing mga kaibigan si Bea sa dati niyang network, na hanggang ngayon ay okay pa rin sila. “Oo! Talagang, as in kapag sinabi o mag-invite ka ng friends. Talagang sila pa rin ang isa sa mga takbuhan. Sayang lang dahil ‘yung ibang taga-GMA e Monday ngayon, MWF (Monday-Wednesday-Friday) ang taping ng GMA. So, hindi sila nakapunta. Hopefully, mapanood din nila,” dagdag niyang pahayag.

Ang nakakatawa, pati si Wilbert ay inimbitahan ni Jairus Aquino na bahagi rin sa cast. Ipinost ni Wilbert ang convo nila ni Jairus na kung saan ay inimbitahan niya ito sa premiere night.

Sinagot siya ni Wilbert ng, “Adik ka ba?!”

Sabi naman ni Jairus, “Hahahahaha Ikaw nga pala bida wala na ko mainvite pre.”

Nakikita na masaya ang samahan nilang lahat na kung saan bahagi rin sa pelikula sina Vandolph, TJ Valderrama at ang bokalista ng Cup of Joe na si Gian Bernardino.

Masaya ang pelikula na may pagka-horror.

Iba kasi talaga ang style ng comedy ni Victor Villanueva.

Kahit maganda ang feedback pagkatapos ng premiere night, kabado pa rin sina Bea at Wilbert. “Opo naman,” pakli ni Bea.

“Siguro po ‘yung pressure parang doble, dahil alam naman natin ‘yung parang film industry ngayon is parang... it’s still not consistent ‘di ba?  Hindi pa siya ganun ka-stable.

“So, number one. Plus number two, is the pressure of course of doing a project like this big ganyan. So, sobrang kabado,” dagdag niyang pahayag.

Sabi naman ni Wilbert, “Kinakabahan po ako ngayon. Very excited, definitely may pressure.”

Ngayong araw na ang showing ng Pee Mak sa mga sinehan. 

Dennis, may pakiusap sa bashers

Dinaluhan ni Dennis Trillo ang announcement ng second batch ng 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa The Atrium ng Shangri-La Mall noong Lunes ng hapon.

Doon daw first time napanood ng Kapuso Drama King ang teaser ng pelikula nilang Amir na entry ng GMA Pictures at Brightburn Productions. “Tulad ng sinabi ko, first time kong napanood ‘yung teaser kanina. Na-excite na ako na makita nila ‘yung kabuuan ng pelikula. Puwede sa bata! Nandito ‘yung bida namin o!” kinarga na niya ang batang produkto ng It’s Showtime na si Argus Aspiras.

Excited siya dahil ibang-iba raw ito sa ginawa niyang Green Bones na wagi rin sa MMFF 2024. “Ibang-iba. Oo. Fantasy, pambata, at nandun pa rin ‘yung family drama. And siyempre sa darating na Pasko ay para sa mga bata. Kaya para sa kanila talaga ‘to,” sabi pa ni Dennis.

Sabi naman ng batang si Argus, “Excited na ako na mapalabas itong movie na ‘to dahil ang dami po naming nagawa sa shooting.”

Sana raw ay maganda rin ang kalabasan nito, dahil kagaya ng Green Bones, nakipag-partner dito ang film production nila ni Jennylyn Mercado na Brightburn Productions.

Sumingit na rin ako ng tanong kay Dennis tungkol sa isyu nina Jennylyn at Patrick Garcia. Ayaw na raw niyang sundan pa ng patutsada sa isyung ito.

Gusto na lang ng aktor na tapusin na ito at mag-move on na lang. “Oo naman!” bulalas niya,

Pero, may supporters silang tila hindi pa nakapag-move on at patuloy pa rin sa pag-post ng bashing kay Patrick at ang dami pang dinadamay.

Kaya nakiusap na lang si Dennis na tigilan na ito. “Parang awa n’yo na! Tigilan n’yo na, Magmahalan na lang tayo ngayon. Lalo na’t magpa-Pasko na. Spread love na lang and not hate. Tigilan na ang bashing dahil wala naman talagang magagawa ‘yan. Magkakasala pa kayo. Makakasakit pa kayo. Tigilan n’yo na po,” saad nito

Sinundan ko ng tanong kung meron bang nagparating sa kanila ng mensahe mula sa kampo ni Patrick. Wala naman daw, at okay lang daw.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with