Rocco Nacino, nag-kiss and tell sa ex!

Buong tapang na sinagot ni Rocco Nacino ang isang “in-trigger” question sa segment na Chika o Add to Cart ng Chika Cart sa GTV noong nakaraang Oct. 8.
Hindi nagdalawang-isip si Rocco at piniling mag-“Chika” sa tanong kung totoo bang na-trauma siya sa dating showbiz girlfriend dahil sa dalas ng pagpapabili nito.
“May pagka. ‘Sabi ko, Ha? Gano’n ba ang relasyon?’ Siyempre, mahal mo, ibibigay mo lahat,” sagot niya.
Ikinuwento rin niyang minsan ay inaway siya nito nang malasing dahil hindi raw siya tinatrato na parang prinsesa. “Sabi, ‘Hindi mo ako tinatrato na parang prinsesa, hindi na kita mahal.’”
Doon daw siya natauhan na may mali na sa relasyon nila. Nang tanungin kung iyon ang dahilan ng hiwalayan, sabi niya: “Isa. Puwedeng hindi. Wala na rin akong pake sa pera no’n. Kapag mahal mo, wala ka na ring pakialam.”
“Puwedeng sabihing na-trauma, pero dala ‘yon ng pag-ibig,” pagtatapos ni Rocco.
Sa ngayon, masaya ang pamilya ni Rocco kasama ang asawang si Melissa Gohing. May dalawa silang anak na sina Ezren Raffaello at Elyon Azriel.
Manang Biring, pumanaw na
Ahh pumanaw na sa edad 84 ang beteranang aktres na si Erlinda Villalobos.
Inanunsyo ito ng kanyang pamilya sa Facebook post, ngunit hindi binanggit ang dahilan ng pagpanaw.
Kilala si Villalobos sa pagganap bilang bida sa comedy-drama na Manang Biring ni Carl Joseph Papa, na nagwagi ng Best Picture, Best Music at Champion Bughaw Award sa Cinema One Originals.
Napanood din siya sa mga seryeng Lolong at Alyas Robin Hood.
- Latest























