Marian, nag-aaral maging reporter!

Magbabalik na si Marian Rivera sa paggawa ng serye. Magbibida ang aktres sa Behind Closed Doors na malapit nang mapanood sa Amazon Prime Video.
Gagampanan ni Marian ang karakter ng isang reporter sa naturang proyekto. “Si Aubrey Carampel (GMA entertainment reporter) ang aking peg dito. Ito ang karakter na kailangan ko ring pag-aralan kasi hindi lang siya tipikal na reporter eh. Ito ay may lalim na reporter na maraming pinagdaraanan at hindi lang siyempre sa mga nire-report niya kundi sa kanyang mismong buhay,” nakangiting pagbabahagi ni Marian sa 24 Oras.
Napapanood na rin ngayon ang teaser ng pelikulang Remember na pinagbibidahan nina Marian at Dingdong Dantes. “Sabi nga sa bahay, parang teaser pa lang, kinikilabutan na raw sila. Especially si Zia kasi siyempre siya ‘yung mas nakakatanda. Siya ‘yung mas nakaka-analyze ng lahat,” kwento ng aktres.
Ibang-iba umano ang tema ng bagong pelikula kumpara sa Metro Manila Film Festival 2023 entry ng mag-asawa na Rewind.
Magkahalong emosyon ang nararamdaman ngayon ni Marian sa nalalapit na showing ng Remember. “’Yung pakiramdam ko rito, sobrang excited talaga ako na mapanood nila. Kasi parang gusto nating magbigay o magbahagi do’n sa makakapanood na sa panahon ngayon ang kailangan natin unconditional love,” paglalahad ng Kapuso actress.
Bailey, maraming gustong gawin sa GMA
Kamakailan ay pumirma ng kontrata sa GMA Network si Bailey May. Noon pa man ay sobrang excited na umano ng singer na maging isang Kapuso. “I’m so excited po, kasi kahit noong bata pa ako. I’ve always been curious. Like ‘How would it be to be in GMA?’ Ngayong GMA na ako, sobrang excited,” bungad ni Bailey sa Unang Hirit.
Matatandaang unang nakilala si Bailey bilang housemate sa Pinoy Big Brother: 737 edition noong 2015. Labingdalawang taong gulang pa lamang si Bailey noon. “Marami pong pinagdaanan. Maraming experiences. So now, I think I’m wiser. Hindi na makulit, I’m more man now,” giit niya.
Lalong sumikat si Bailey nang naging miyembro ng global pop group na Now United noong 2017. “Again, another blessing for me in my life. I got to learn from the best choreographers, mga producers. So, I learned so much and I’m able to put what I’ve learned dito sa GMA,” dagdag pa ng singer.
Ngayong nasa bakuran na ng Kapuso network ay gusto raw subukan ng binata na sumabak sa paggawa ng mga proyektong mayroong iba’t ibang tema. Mayroon din isang aktres na gustong makaperaha si Bailey. “Action, comedy, horror. Pokwang, why not?” natatawang pahayag ng Sparkle star. (Reports from JCC)
- Latest




















