^

PSN Showbiz

Joaquin, nagpasalamat kay Darna!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joaquin, nagpasalamat kay Darna!
Joaquin Arce.
STAR/ File

Naibahagi sa amin ni Joaquin Arce kung ano ang kanyang turing sa madrastang si Angel Locsin. Anak si Joaquin ni Neil Arce sa dating kasintahan. Napangasawa naman ni Neil si Angel noong 2021.

“Parang second mom ko po siya. She’s my mentor and she also gives me advice in life,” bungad sa amin ni Joaquin.

Nakilala ang binata mula nang maging isa sa housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0. Third Big Placer si Joaquin nang magtapos ang naturang reality show kamakailan.  Ayon sa baguhang aktor ay todong suporta ang ibinigay sa kanya ni Angel habang nasa loob pa ng bahay ni Kuya. “Grabe ‘yung nag-stop siya ng hiatus (sa show business) just to defend me. Pinagtanggol ako ni Darna, ‘di ba? Parang wow, I’m so grateful for her and I really couldn’t have done it without her,” giit niya.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustong makatrabaho ni Joaquin si Angel sa isang pelikula.

Aminado ang binata na talagang malaki ang paghanga niya sa madrasta bilang isang aktres. “Absolutely, I want to, of course. I feel like I have to deserve to act in a movie with her. I feel like I have to deserve to work with her. I mean, come on, she’s the best. I can’t act with the best unless I am along those lines. So, I want to deserve to work with her. I have to work to that point,” pagtatapos ng binata.

Carlo at Direk Jerry, nagkaroon ng argumento

Napapanood na ngayon sa mga sinehan ang pelikulang A Special Memory na pinagbibidahan nina Bela Padilla at Carlo Aquino. Nagkaroon umano ng argumento sa pagitan ng aktor at ng direktor na si Jerry Lopez-Sineneng habang ginagawa ang naturang proyekto. “’Yung fear of heights ko, kasi nga ayokong sumakay ng rides. Pero kasi si Bela, gusto niyang kuhanin ‘yung eksenang ‘yon. So ang ginawa ko, sobrang na-anxiety ako. So nagagalit ako sa sarili ko. Pumutok ako do’n habang nando’n na sa ride,” nakangiting kwento ni Carlo.

Nawalan man ng malay dahil sa altapresyon ay itinuloy pa rin umano ng aktor ang kinatatakutan niyang eksena. “Kinuhanan namin ‘yung scene, nagawa ko. Pero hindi ko alam kung nasama dahil ‘yung mukha ko tatakut-takot yata do’n,” dagdag ng dating child star.

Agad na humingi ng paumanhin si Carlo kay Direk Jerry dahil sa nangyari sa set ng bagong pelikula. “After ng scene, dahil nga ayoko nang magsayang ng mga oras na hindi kami mag-uusap, nakasama ko siya, luma­laki ako sa industriyang ito, nilapitan ko na. Humingi na ako ng dispensa. At right there, naging okay kami ni Direk,” pagbabahagi ng aktor.

(Reports from JCC)

JOAQUIN ARCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with