SB19 sumakay sa shopping cart

SB19
STAR/File

Opisyal nang kinumpirma ng Puregold ang kolaborasyon nito sa Pinoy boy band na SB19.

Tinatawag na Princes of P-Pop, nagpatikim na ang grupo ng kolaborasyon ilang linggo na ang nakalilipas, sa pamamagitan ng mga post at story sa Instagram, kung saan nakasakay sila sa mga shopping cart ng Puregold.

Miyembro sina Josh, Pablo, Stell, Ken, at Justin, bumida ang SB19 sa P-Pop sa Pinas. Kasama sa kanilang journey ang napakarami at matinding ensayo na nagbunga nga at ngayon ay sobrang sikat na nila.

At ipinapakita lamang nito na key ang talento at determinasyon sa tagumpay.

Ngayon, minahal na ang musika ng SB19 hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa iba pang mga bansa.

Recently ay dinumog sila ng fans sa Dubai na ang iba ay lumipad pa sa Dubai para panoorin ang concert nila.

Ngunit nagkaroon ng mga hamon nitong nakaraang taon. Pagkatapos na ilabas ang kanilang pinakahuling album na Pagtatag at habang nasa una nilang world tour, nahirapan ang SB19 sa stress at lungkot ng pagi­ging malayo sa kani-kanilang mahal sa buhay.

Lumipat din ang grupo ng management— a big step forward in terms of being independent artists.

Hindi nagpapatinag sa mga hamon, umaasa ang SB19 na magamit ang mga karanasang ito in creating the most authentic art.

Sa kanilang kolaborasyon kasama ang Puregold, hangad nito na maibahagi ang kanilang kuwentong panalo, kuwento ng pagiging malakas at matatag, upang ipaalala sa lahat ng Pilipino na lahat ay mayroon ding ganitong lakas at tatag.

Kasama sina Flow G, ang BINI, at ang SunKissed Lola, kabilang ang SB19 sa nagpapalakas pa ng Original Pinoy Music.

Show comments