^

PSN Showbiz

Ara, muntik bumigay ang katawan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ara, muntik bumigay ang katawan
Ara Mina

Hindi na muna itutuloy ang birthday concert ni Ara Mina na gaganapin dapat ngayong Martes.

Sa July 11 na ito itutuloy na itinuturing ding 30th anniversary show ng aktres.

Nagkaproblema umano dahil sa dami ng mga proyektong ginagawa ni Ara kaya nagpasyang ipagpaliban muna ang kanyang concert. “It was supposed to be a birthday concert pero nagka­kagulo kami sa schedules. We decided to move the concert to July. Ang daming work. I have two TV shows, talk shows, meron pa akong movie, and meron pang under negotiation. Hindi na rin makasingit ‘yung mga promotion for the concert. May Magandang Araw, Jack & Jill, Padyak Princess with Miles Ocampo. Nag-first shooting day na ako ng Alyas Pogi after 25 years,” paliwanag ni Ara.

Hindi kailangang mangamba ng mga nakabili na ng ticket dahil magagamit pa rin ito sa Hulyo. Para kay Ara ay talagang kailangan niyang pag­handaan ang espesyal na concert na ito para sa lahat ng mga patuloy na sumusuporta sa kanyang mga ginagawa sa show business sa loob ng tatlong dekada. “Good thing naman ‘yung mga nakabili na, magagamit naman nila ‘yung ticket sa July 11, same venue. Gusto ko prepared ako, ‘yung best ko. Sa sobrang dami kong sche­dule, baka bumigay ‘yung katawan ko. Maganda ‘yung kondisyon na kondisyon ako. Gusto ko ‘yung relaxed ako. Itong 30th (showbiz anniversary) I want to give people a good show kasi it’s a milestone. I’m thankful that I am still here at may trabaho. Hindi naman lahat nakakatagal sa industry. Kaya gusto ko ng magandang show,” pagbabahagi ng aktres.

Kabilang sa mga magiging panauhin ni Ara sa concert ay ang mga taong naging malaking bahagi sa buhay ng aktres. “Cristine Reyes, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Senator Bong Revilla, Senator Robin Padilla, Brod Pete and may mga surprise guest,” pagtatapos niya.

John, nilaban ang pagnenegosyo

Magsisiyam na taon nang kasal sina Isabelle Oli at John Prats.

Matatandaang isang beach wedding ang naganap noon sa Batangas. Ngayon ay pag-aari ng mag-asawa ang Nayomi Sanctuary Resort sa lalawigan. “Dapat rest house lang talaga ‘to no’ng ikakasal na ako. Minadali ng dad ko itayo ‘yung apat na villas. Kasi gusto niya dito ako ikasal. Tapos no’ng wedding, sabi ko, ‘Dad, why don’t we share the experience that we had?’ Tapos i-open natin, gawin nating resort,” kwento ni John sa YouTube channel ni Bernadette Sembrano.

Sa amang si Daniel Rafael Prats nakuha ng aktor ang hilig sa pagnenegosyo. Para kay John ay talagang lakasan lamang ng loob ang pagpasok sa isang negosyo. “Don’t be scared to try kasi mas masakit ‘yung ‘di mo ni-try. ‘Yung inisip mo lang tapos ‘di mo sinubukan. ‘Yon ‘yung failure. But ‘yung approach na laban nang laban lang,” makahulugang pahayag niya.

Hindi man abala sa pagiging isang aktor ay kabi-kabila naman ang trabahong ginagawa ni John bilang isang TV at concert director. “When I did Moira’s Tagpuan (concert, 2018), I didn’t know what I was doing. Everything was my instinct, my vision, what I wanted to do. It was more than directing a concert. It’s like building a relationship with your artists. Being a friend to them. My advantage was I was in the industry. I was also a performer. So, I know how it feels to be a performer,” pagbabahagi ng actor-director. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

ARA MINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with