^

PSN Showbiz

Kira, nakaranas ng grabeng lamig sa Korea

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kira, nakaranas ng grabeng lamig sa Korea
Kira Balinger.
STAR/ File

Magbibida sa pelikula sa kauna-unahang pagkakataon si Kira Balinger. Katambal ng aktres si Kelvin Miranda sa Chances Are, You and I na mapapanood na sa mga sinehan simula May 29. “Napakalaking blessing ito na natuloy ang napakagandang movie na pinaghirapan ko. Emotional dahil ang tagal naming inantay ito ni Kelvin. Ang dami naming pinagdaanan. Natuloy rin ang pinaghirapan namin. Ilang beses ko na rin pinanood ang trailer kasi gusto ko na talaga siyang mapanood nang buo,” nakangiting bungad ni Kira.

Isang masayang karanasan para sa aktres ang naging shooting ng bagong proyekto.

Sa South Korea pa kinunan ang karamihan sa mga eksena sa pelikula. “Nasanay tayo sa Filipino time, hindi pwede sa kanila do’n. So, it was a good practice for all of us to have discipline when we were there. Especially ‘yung kalaban namin do’n was weather. It was so cold. The overall experience was so wonderful. It was so memorable and na-miss ko ‘yung lamig kasi nga I’m from the U.K. So ngayon lang din ako naka-experience nang gano’n, ang lamig po,” kwento ng aktres.

Matatandaang naugnay si Kira kay Kelvin noong isang taon.

Mayroong mga ispekulasyon na si Kira diumano ang naging dahilan ng hiwalayan ng Kapuso actor ay Roselle Vytiaco. “We didn’t let it affect the quality of our work. We didn’t let it affect our working relationship. So, I think that’s what really matters. We’re okay as colleagues. Siyempre we both show up for work. I think I can say that we are both professional when it comes to our work. So no matter what happens, we both have to show up. I don’t think we could do this together kung hindi po kami friends kung merong ano sa isa’t isa, mahirap po ‘yon,” paglilinaw ng dalaga.

Julie Anne, gustong bumiyahe

Noong Biyernes ay nagdiwang si Julie Anne San Jose ng kanyang ika-tatlumpung kaarawan. Naibahagi ng aktres ang birthday wish na mayroong kinalaman sa career. “Ang birthday wish ko lang is just to be healthy. Hindi lang ako pero pati ‘yung family ko. Siyempre blessings, more opportunities para mas mag-grow pa ako as an artist and as a singer. Gusto ko mag-try mag-theater ‘coz I haven’t really experienced it. I wanted to try it. And yeah, more collaborations with different artists,” paglalahad ni Julie Anne.

Bukod sa matagumpay na career ay masaya rin ang dalaga sa kanyang personal na buhay. “Personally, I’ve been wanting to travel a lot. ‘Yon siguro ang pinaka-wish or bucket list ko because I’ve been really busy eh. Like parang feeling ko wala na rin ako masyadong time for myself,” dagdag pa ng aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

KIRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with