^

PSN Showbiz

Ali Sotto, bagong co-anchor ng Mata ng Agila

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ali Sotto, bagong co-anchor ng Mata ng Agila
Kasama ang isa pa sa mga hinahangaang brodkaster ng bansa na si Alex Santos, si Ali ay siyang inaasahang kasabay nito sa paghahatid ng patas, wasto at pinakamainit na balita at impormasyon gabi-gabi sa Mata ng Agila Primetime.

MANILA, Philippines — Ipinakilala na kamakailan bilang bagong co-anchor ang isa sa mga premyadong pangalan sa larangan ng pagbabalita, si Ali Sotto!

Kasama ang isa pa sa mga hinahangaang brodkaster ng bansa na si Alex Santos, si Ali ay siyang inaasahang kasabay nito sa paghahatid ng patas, wasto at pinakamainit na balita at impormasyon gabi-gabi sa Mata ng Agila Primetime.

Matapos gumawa ng pangalan bilang sikat na aktres at mang-aawit sa bansa, itinuturing si Ali bilang ilan lamang sa mga personalidad na napagtagumpayang mamayagpag bilang multi-awarded na news anchor at host ng mga kilalang news & public affairs na mga programa sa telebisyon at sa radyo.

“Matagal ko nang hinihintay na makatrabaho ko si Alex. Basta ako (Alex), katuwang mo ako, kakampi mo ako tuwing alas-6 hanggang alas-730 ng gabi, Monday to Friday- ang Santos-Sotto, iisa ang adhikain na maghatid ng totoo. Totoong balita at impormasyon sa kanila.” ani Ali.

Nagsimula naman si Alex bilang isang baguhan at batang TV reporter, news editor at director sa Davao.

Ngunit sa kanyang taglay na galing at talino, dinala siya ng kanyang ta­lento sa mga kilala ring himpilan ng radyo at telebisyon ng bansa.

Isa na siya sa mga pinakarespetadong news anchor sa industriya ngayon.

Sa isang sit down interview kasama ni Ali kamakailan, ipinahayag ni Alex ang kanyang pasasalamat sa pagsama ni Ali sa Mata ng Agila Primetime.

“Maraming salamat Ali, at tinanggap mo ang trabahong ito dahil alam kong ang tambalang Alex-Ali ay mga totoong balita ang ihahatid at inaasahan ko rin na magtatagal ang samahang ito.”

Nang tanungin tungkol sa kanyang saloobin sa pagbabalik sa pagiging news anchor ng isang malaking programa, ito ang nasabi ni Ali. “Tinatanaw ko ito bilang isang napakalaking pribilehiyo na nabigyan akong muli ng pagkakataon ng ating mga kababayan na muling makapagsilbi sa kanila gabi-gabi.

“Nagpapasalamat po ako sa tiwala ng NET25 management, nang ako po’y piliin at alukin na makasama ko kayo tuwing gabi sa paghahatid po ng pinakatotoong balita.”

vuukle comment

AGILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with