^

PSN Showbiz

Andi, ‘di nadala si Jaclyn sa kanilang bahay

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Andi, �di nadala si Jaclyn sa kanilang bahay
Gwen, Andi at mga anak
STAR/File

Isinama ni Andi Eigenmann ang kapatid na si Gwen Guck sa tahanan nila sa Siargao pagkatapos ng pagpanaw ng nanay nilang si Jaclyn Jose dahil sa cardiac arrest.

Binahagi ng dating aktres ang mga litrato nila ng kapatid kung saan naka-bonding din nito ang mga anak niyang sina Ellie, Lilo at Koa.

“An introduction to the island life for my (not so) little brother. It did not happen in the circumstance we had hoped for, but I’m glad to finally do this nonetheless,” bahagi ng caption niya.

Sayang nga raw at hindi man lang napuntahan at nabisita ng bete­ranang aktres ang tahanan nila sa Siargao noong nabubuhay pa ito.

Makikita sa mga litrato na nag-enjoy ang nakababatang kapatid niya sa pagpunta sa isla.

Siguradong na-miss nila ang isa’t isa dahil mukhang matagal na panahon noong huli silang nag-bonding dahil sa Amerika ito nakatira. At tila ngayon lang din nito naka-bonding ang mga pamangkin kay Andi.

“Life is uncertain. “Look after your people. Hug them. Love them. Cherish them. Hold your loved ones close,” pagtatapos niya.

Pinusuan naman ito ng netizens at mga tagahanga at hinangaan siya sa pagiging pangalawang ina niya sa kanyang nakababatang kapatid. Na-touch pa ang mga ito sa kanyang post.

Lutang nga raw ang pagiging look-alike nila at male version daw ni Andi ang kapatid at pinuri ng netizens ang kaguwapuhan ni Gwen.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with