^

PSN Showbiz

Joshua hindi na babalik sa Amerika, laging kasama si Mark Leviste

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Joshua hindi na babalik sa Amerika, laging kasama si Mark Leviste
Joshua Aquino at Mark Leviste
STAR/ File

Wow lagi palang magka-bonding sina Batangas Vice Governor Mark Leviste and Joshua Aquino.

Kahapon ay sinundo si Joshua ng pulitiko at nag-bonding sila. Galing ng Batangas ang pulitiko kaya magkasama sila kahapon dito sa Manila.

Nang tanungin ko si Joshua kung kailan siya babalik ng Amerika, mabilis itong sumagot na “hindi na.”

Nagpaiwan naman sa Amerika si Bimby para alagaan ang mommy niyang si Kris Aquino pero babalik daw sa US si VG Mark in time for Bimby’s birthday.

Hindi pa rin nakakapasok ng hospital si Kris ayon pa sa pulitikong karelasyon nito.

TV personality, nakabili ng luxury car pagkagaling sa ibang bansa Mmay pattern ‘pag nagbibiyahe

Lagi raw nag-iiba ang lifestyle ng isang TV personality pagkakagaling sa bakasyon sa abroad.

Consistent daw ito every time na aalis siya ng Pilipinas ayon sa kuwento ng isang katrabaho niya.

Pagbalik daw nito, level up na ang lifestyle.

Single naman si TV personality kaya hindi na gaanong shocked ang mga tao na nakapaligid sa kanya.

Tulad daw nitong recent trip ni TV personality, brand new luxury car daw ang bagong nabili nito pagbalik ng Pilipinas.

Nag-Google pa kami ng presyo ng nasabing kotse at oo nga halos P7 million ito.

Or baka naman may investment sa ibang bansa ang nasabing TV perso­nality kaya pagbalik niya iba na ang kotse.

Lagi raw ganun ito. Minsan naman daw mga luxury na bag and watches ang gamit na nito pagkagaling ng abroad.

vuukle comment

MARK LEVISTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with