^

PSN Showbiz

Regine, tanggap na makakalimutan ang nagawa sa industriya

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Regine, tanggap na makakalimutan ang nagawa sa industriya
Regine Velasquez.
STAR/ File

Noong Biyernes ay ginanap ang kauna-unahang Billboard Philippines Women in Music awards. Nasungkit ni Regine Velasquez ang Power House award sa naturang event.

Para sa Asia’s Songbird ay darating ang panahon na mayroong papalit sa kanya sa industriya. “Mahirap kapag tumatanda ka na sa industry. Nakikita mo na nagbabago na ang lahat. ‘Yung dating ikaw ‘yung sinisigawan, ikaw ‘yung nagkakaroon ng hits, nararamdaman mo ‘yun unti-unti na hindi na ikaw. But for me, it’s fine. Parati ‘pag may nagtatanong sa akin kung ano ‘yung iiwan kong legacy sa industriyang ito, parang feeling ko wala. Sa akin po kasi hindi masyadong importante kung meron man akong maiwan or wala. I know na makakalimutan ako kasi gano’n ‘yon and it’s fine,” makahulugang pahayag ni Regine.

Halos apat na dekada nang aktibo ang nakilalang Asia’s Songbird sa music industry. Noon pa man ay natanggap na ni Regine na mayroong mga makikilalang bagong henerasyon ng mga mang-aawit. “Siyempre binibigay natin ang entablado sa mga susunod na henerasyong  singers at songwriters,” dagdag pa niya.

Maglalabingtatlong taong gulang na ang nag-iisang anak nina Regine at Ogie Alcasid na si Nate. Para sa singer ay ang kanilang supling ang magsisilbing legasiya na kanyang iiwan sa industriya. “Para po sa akin, ang akin pong legacy ay ang aking anak. Because people will forget about me, will forget about my voice, and what I’ve done in the industry but my son will always remember me. My son is my legacy. Buti nga nagkaanak pa ako,” emosyonal na paglalahad ng Asia’s Songbird.

Heaven, sikreto ang pagpapasaya kay Marco

May bulung-bulungan na mayroon nang espesyal na namamagitan kina Heaven Peralejo at Marco Gallo. Ilang proyekto na ang pinagtambalan ng dalawa.

Ayon sa aktres ay talagang masaya siya sa piling ng binata. “Hindi kasi kami masyadong public ni Marco regarding where we stand. Pero ang masasabi ko lang masaya akong kasama si Marco. Masaya ako sa piling niya,” pagtatapat ni Heaven sa ABS-CBN News.

Suportado nina Heaven at Marco ang ginagawa ng bawat isa. Palagi ring nariyan ang dalaga para sa aktor. “Masarap katrabaho si Marco like ngayon may ginagawa kami, nagtutulungan kami,” nakangiting paglalahad ng aktres.

Hindi man kinumpirma ni Heaven kung ano ang tunay na estado ng relasyon nila ni Marco ay talaga naman daw masaya sila sa ngayon. “Hayaan n’yo na masaya, I mean kung ano man ang nakikita n’yo, gano’n naman kami,” pagtatapos ng dalaga. (Reports from JCC)

vuukle comment

MARCO

REGINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with