^

PSN Showbiz

Kim, naniniwalang ‘di swerte sa lalaki

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kim, naniniwalang �di swerte sa lalaki
Kim Chiu
STAR/File

Masayang-masaya si Kim Chiu dahil sa naging mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kanyang mga proyekto katulad ng Linlang at What’s Wrong with Secretary Kim.

Matatandaang unang napanood ang Linlang sa Prime Video noong isang taon.

Ngayon naman ay pinag-uusapan ang bagong serye na mapapanood sa Viu. “Sobrang happy talaga. ang haba namin pinromote at sobra kaming kinakabahan and hindi namin maipaliwanag ‘yung nararamdaman namin during that time. We’re very happy sa naging outcome ng What’s Wrong with Secretary Kim. Sana magtuluy-tuloy,” bungad ni Kim.

Noong 2020 na kasagsagan ng pandemya sa bansa ay inakala ng aktres na magwawakas na rin ang kanyang karera.

Nakaranas ng matin­ding online bashing si Kim dahil sa isang insidente. “I thought I’m done. After Bawal Lumabas parang feeling ko kaya napa-fragile ako lately. From FIT Check, Linlang, Showtime, tapos What’s Wrong with Secretary Kim, thankful talaga ako. Walang mapaglagyan ‘yung puso ko sa sobrang saya. Gusto ko lang mag-work nang mag-work and dahil na rin sa mga taong sumusuporta, mga naniniwala, sobra akong nagpapasalamat,” emosyonal na pahayag ng dalaga.

Sobrang namamayagpag ngayon ang showbiz career ni Kim. Bukod sa It’s Showtime, ASAP Natin ‘To, What’s Wrong with Secretary Kim ay napapanood din tuwing gabi ang Linlang the Teleserye Version na pinagbibidahan ng aktres.

Mayroong ilang nagsasabi sa dalaga na hindi raw swerte sa pag-ibig ang isang tao kapag matagumpay ang career. “I think so ha-ha-ha! ‘Wag naman sana. Hindi, kung nandiyan, nandiyan. Kung wala, eh di wala. So parang bonus ‘yung love if ever,” nakangiting pagtatapos ng aktres.

Janella, sa iba na magpo-focus

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon ng isang malaking concert si Janella Salvador.

Gaganapin ang Reimagined concert ng singer-actress sa April 19.

Bahagi ito ng selebrasyon ni Janella para sa kanyang ika-sampung anibersaryo sa show business. “This concert, it means so much to me because it’s my first big concert. I’m really nervous about it but I’m really working hard. So, thank you so much for everything,” nakangiting bungad pahayag ni Janella.

Ayon sa actress-singer ay talagang kaabang-abang ang lahat ng kanyang ipamamalas sa nalalapit niyang concert.

Pinag-isipang mabuti ni Janella at ng buong production team ang konsepto ng Reimagined. “We thought of something that could perfectly describe what I want to show people right now. I think even if I have been singing since I was in my mom’s tummy or something. I feel like many people still don’t know that I’m a singer. Many people know me more as an actress. I feel like there are so many sides of me that people haven’t seen and so this is why we named it Reimagined because we want to challenge people’s imagination na I am more than what you imagine and I don’t like to be put in a box. This concert is part of my bucket list. You will be going to see different stages of my life and my career,” pagbabahagi niya.

Ngayong taon ay gustong tutukan ni Janella ang kanyang pagiging singer. “I feel like the concert will establish me more as a performer, as an artist. Singing and music has always been my first love. I’m really happy that I’m able to do this show. I feel like it’s something na hindi ko na-prioritize in the past few years. Kasi nga I did a lot of acting stuff. Ngayon gusto ko talaga mag-focus sa music,” pagtatapos ng singer-actress.(Reports from JCC)

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with