^

PSN Showbiz

Catriona, ramdam ang epekto ng scoliosis

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Catriona, ramdam ang epekto ng scoliosis
Catriona Gray
STAR/File

Tatlumpong taong gulang na ngayon si Catriona Gray. Mas nararamdaman na umano ng Miss Universe 2018 ang pagkakaroon niya ng scoliosis kumpara noon. “I’m getting older, sorry older in my context. I’m starting to really feel the effects of scoliosis in my everyday life,” pagtatapat ni Catriona sa ABS-CBN News.

Para maibsan ang sakit na nararamdaman ay mayroong mga bagay na ginagawa ang dalaga. “I’m just prioritizing my health, doing pilates halos everyday because it just makes me feel better and going to a chiropractor,” nakangiting pahayag ng beauty queen.

Matatandaang nabanggit noong 2018 ng kapwa-beauty queen na si Nicole Cordoves ang hirap at sakit na pinagdaanan ni Catriona habang nasa training para sa Miss Universe.

Naibahagi sa amin ni Nicole noon sa Tonight with Boy Abunda na napapaiyak ang kaibigan dahil sa sakit na nararamdaman noong mga panahong iyon. “Prinaktis po niya ‘yan (Lava walk na pinasikat ni Catriona), at may scolio siya. So ‘yung first few practices nila talaga, umiiyak siya. Kasi ‘yung posture pa lang na you’re going to pull yourself like this para straight na straight ‘yung body mo and you get the curves, ang hirap para sa kanya,” kwento sa amin ni Nicole noon.

Shamaine, ‘di gumagawa ng pelikula para sa pera

Ginanap kamakailan ang kauna-unahang CinePanalo Film Festival. Nilahukan ito ng anim na full-length movies mula sa mga kilalang direktor at dalawampu’t limang pelikula naman mula sa mga estudyanteng filmmakers.

Si Shamaine Buencamino ang nakasungkit ng Best Actress award para sa pelikulang Pushcart Tales. Masayang-masaya ang aktres dahil sa pagkilala sa kanyang talento. “Siyempre masayang-masaya kasi ito ‘yung trabaho ko eh, ‘di ba ang award in any festivals. Kahit sa mga student thesis and student productions ay pagbibigay-pugay sa ginawa mo,” bungad ni Shamaine.

Ayon sa aktres ay talagang tinanggap niya ang naturang proyekto para na rin sa ikauunlad ng film industry. Para kay Shamaine ay hindi na mahalaga sa kanya ang bayad o talent fee sa mga ginagawang trabaho. “Dati noong tinatanong ako, ‘Ano ang criteria mo to accept a film or work?’ Ang lagi kong sinasabi, economics kasi source of livelihood ko ‘to eh. Pero nando’n na ako sa point na malalaki na ang mga anak ko. Hindi ko na kailangan na para lang sa pera. Now, it’s really the script, the director (Sigrid Bernardo) kahit na saan. And I really do films for students kahit na maliit lang ang bayad. I really support, this is for the future of the film industry,” makahulugang pahayag niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with