^

PSN Showbiz

Showtime sa GMA, may patikim na

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Showtime sa GMA, may patikim na
Showtime Host

It’s Showtime, mga Kapuso.

Confirmed na nga ang pag-ere ng It’s Showtime sa GMA 7 – sa naiwang timeslot ng Eat Bulaga at Tahanang Pinakamasaya.

Official statement na lang ang kailangan.

Naglabas na sila ng ‘teaser’ kahapon.

Kaya naman trending na ulit ang programa kahapon.

Four days ago nang unang lumabas dito sa Pilipino Star NGAYON at Pang Masa, sa article ni L. Guerrero, na pinaplantsa na nga ang kontrata sa pag-ere ng dating banner show ng ABS-CBN sa Kapuso Network.

Bongga, talagang wasak na wasak na ang network war.

Mga kapitbahay naiskandalo…singer/actress, sinasakal ng anak!

Naiskandalo ang mga kapitbahay ng isang singer/actress na may anak ding actress nang magsisigaw ito at manghingi ng tulong dahil animo’y pinagtatangkaan ang buhay.

Kaya naman nagtakbuhan ang mga neighbor ng singer/actress para saklolohan ito.

Natakot daw talaga ang mga kapitbahay dahil akala nila ay pinasok ng kriminal ang bahay ng singer/actress.

‘Yun pala ay anak nito ang diumano’y sumasakal sa ina.

Walang idea ang source ko kung nagbibiro ang anak o kung nakainom ito at sinubukang sakalin ang ina.

Tatlong beses na raw itong nangyari.

Pero hindi raw nila nakikita dun ang anak na actress ng singer/actress na paminsan-minsan na lang umaarte at kumakanta. Habang ang anak na actress nito ay active ang career.

vuukle comment

SHOWTIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with