^

PSN Showbiz

Jowa ni Xyriel, malambing kina Kyle, at Elijah

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jowa ni Xyriel, malambing kina Kyle, at Elijah
Nathaniel Toledo at Xyriel Manabat

Kababata ni Xyriel Manabat ang naging kasintahan na si Nathaniel Toledo.

Ayon sa aktres ay magkapitbahay din sila ng binata kaya madalas na nagkikita at nagkakasama noon pa man. “Simula po noong lumipat kami sa subdivision na ‘yon, mga 2 or 3 (years old) ako lumipat doon. Tapos nandoon na po sila. mas nauna po silang tumira doon sa subdivision na ‘yon. Childhood friends kami, magkapitbahay kami. Tapos naging mag-best friend kami. Tapos nag-share kami ng bond hanggang sa nagka-develop-an. Pero pareho kaming in denial for a long time. Hindi naman pinush na maging into a relationship kasi ayaw naming masira ‘yung friendship,” pagbabahagi ni Xyriel.

Mula pagkabata ay suportado raw ni Nathaniel ang lahat ng ginagawa ni Xyriel bilang isang child actress noon. Ngayong magkasintahan na ay ang nobyo na rin daw ang madalas na nakakasama ni Xyriel sa trabaho. “Na-witness niya ‘yung araw-araw pa akong napunta sa taping hanggang sa araw-araw ako napasok sa school na lang hanggang sa ngayon, siya na ‘yung sumasama sa akin sa work. Sobrang supportive po, dadalaw siya sa mga tapings. Sasamahan niya ako sa mga event. Hatid-sundo niya ako sa lahat ng events,” pagdedetalye ng dalaga.

Naging kaibigan na rin daw ng kasintahan ni Xyriel ang mga kasamahang lalaki sa trabaho. May mga pagkakataong pinagseselosan na umano ng aktres ang mga nakatrabaho sa iWantTFC series na Senior High. “Close sila nina JK (Labajo), Kyle (Echarri), Kuya Zaijian (Jaranilla), lalo na ‘yon. Inaasar nila ako kapag clingy sila sa isa’t isa kasi ayaw ko. Ako ‘yung nagseselos. Mas close sila ni Elijah (Canlas). Ako ‘yung minsan naa-out of place. Mas mauuna pa siyang i-kiss nina Elijah bago ko siya  ma-kiss, sila ‘yung magyayakap. Tapos halimbawa nagte-take ako or nasa malayo ako inaayusan, kapag nandoon sila sa upuan maglalambingan, maghahaplusan. Lagi akong naiinis. Sa mga nagsasabi na siya ‘yung nagseselos, hindi. Ako ‘yung nagseselos, baligtad. Ako ‘yung threatened,” natatawang kwento ng aktres.

Anji, noon pa crush na crush si Enrique

Kabi-kabila ang ginagawang mga proyekto ngayon ni Anji Salvacion. Bukod sa pagiging singer ay umaarte rin ang dalaga sa harap ng kamera.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw ni Anji na makatrabaho ang isang Kapamilya actor. “Pwede si Enrique Gil. Huwag na nga lang, baka ma-bash ako rito. Palagi siyang nasa ABS-CBN pero hindi ko siya nakikita, so unfair. Nandoon siya sa ASAP the last time daw pero hindi ko siya naabutan,” nakangiting pahayag ni Anji.

Noon pa man ay tagahanga na raw ang dalaga ng tambalan nina Enrique at Liza Soberano. Naging crush ni Anji si Enrique noon dahil sa isang eksena sa teleseryeng Princess and I kung saan isa sa mga nagbida ang aktor. “Sobrang fan ako ng LizQuen even way before. Pero mas nauna kong nakilala si Enrique from Princess and I. Tapos doon ko siya naging crush noong nagpakalbo siya, naging shaolin siya. Sabi ko, ‘Hala! Ang pogi niya pa rin.’ So, crush ko pa rin siya kahit kalbo siya roon,” pagtatapat ng singer-actress. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

XYRIEL MANABAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with