^

PSN Showbiz

Paulo, si Kim talaga ang target nang lumipat sa Kapamilya!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Paulo, si Kim talaga ang target nang lumipat sa Kapamilya!
Paulo Avelino

Mula nang magkatrabaho noong isang taon para sa seryeng Linlang ay naging malapit na sa isa’t isa sina Paulo Avelino at Kim Chiu. Para sa aktor ay masayang karanasan na makasama ang dalaga sa isang proyekto.

Ngayon ay mu­ling nagkatambal ang dalawa sa What’s Wrong With Secretary Kim. Mapapanood na simula March 18 ang naturang Viu Original series.

Hindi raw nagdalawang-isip si Paulo na tanggapin ang bagong serye nang malamang si Kim ang muling makakatrabaho.

Noon pa man ay pinangarap na ni Paulo na makatambal si Kim. Napahanga ang aktor sa dalaga dahil sa pagiging propesyunal ng aktres pagdating sa trabaho. “Actually, when I was new in ABS-CBN, I’ve always wanted to work with Kim but I wasn’t given the opportunity until the project we did last year and I was very happy. Not just because we know that Kim’s a star and she’s so bubbly. We also know that she’s maturing as an actress. But also, after working with her, maybe one of the qualities she has, I like working with people who works fast and knows what’s she’s doing and si Kim gano’n. Mabilis siya kumilos, alam na niya ‘yung script, alam niya ‘yung gagawin. Walang nagiging problema,” paliwanag niya.

Janella, maraming gagawin sa concert

Sa April 19 ay gaganapin ang Reimagined concert ni Janella Salvador sa New Frontier Theater. Bahagi ito ng pagdiriwang ng ika-sampung anibersaryo ng aktres sa show business. Ayon kay Janella ay kakaibang tunog ang mapapakinggan sa kanya ng mga tagahanga sa nalalapit na concert. “It’s gonna be more on the sound that I’ve always wanted, which is jazz, R&B. Something along those lines,” bungad ni Janella.

Nakatakda ring maglunsad ng bagong kanta ang singer-actress mula sa Star Music. Para kay Janella ay bagong tunog at imahe na ang kanyang maipamamalas sa mga tagahanga.

Maging ang titulo ng kanyang concert ay talagang pinag-isipan umano ni Janella. “I was thinking of the best title. I was brainstorming with my team. I was thinking kung ano ba talaga ako as a person, as an artist. I realized that I’m someone who doesn’t like to be put in a box. I feel like there’s so many things that I can do that I haven’t been able to show yet,” pagbabahagi niya.

Malaki ang pasasalamat ni Janella sa lahat ng mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanya sa loob ng isang dekada. Dapat daw na pakaabangan ang mga magiging espesyal na panauhin sa concert. “This is something that I’ve been waiting for, for a long time and I’m sure you guys, too. So ito na ‘yon, para sa inyo ‘to and sana ma-enjoy n’yo,” pagtatapos ng singer-actress. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

KIM CHIU

PAULO AVELINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with