^

PSN Showbiz

Kim, nakikita ang sarili kay Paulo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kim, nakikita ang sarili kay Paulo
Paulo Avelino at Kim Chiu

Simula March 18 ay mapapanood na sa Viu ang What’s Wrong With Secretary Kim na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Unang pumatok sa mga manonood ang mga karakter bilang mag-asawa nina Paulo at Kim sa seryeng Linlang. Ngayon ay talagang kakaibang Paulo raw ang mapapanood ng mga tagahanga ayon sa aktres. “Sobrang funny siya nito. Hindi na siya si Paulo Avelino. What’s right with Paulo? Everything is going well din sa kanya. He’s very professional. He’s very funny now. What’s right about Paulo is he’s being himself and that’s what makes him right. Magugulat talaga kayo dito sa Secretary Kim kung ano ‘yung mga binigay niya. Mas hahanga kayo sa kanya,” nakangiting pahayag ni Kim.

Sa halos dalawang dekada na pagiging aktibo ng dalaga sa show business ay noong isang taon lamang sila unang nagkatambal ni Paulo. Mas napalapit na sa isa’t isa sina Kim at Paulo sa kanilang muling pagtatambal. “Sa tagal namin dito sa industriya, ngayon lang talaga kami nagkasama ni Paulo mag-work and after Linlang. Then ito nasundan kami ng another project. So mas kilala na namin ang isa’t isa. Nakaka-amaze din na marami ‘yung sumusuporta sa aming dalawa which is nagugulat talaga kami,” giit niya.

Ayon kay Kim ay magkasundung-magkasundo sila ni Paulo sa maraming bagay. Nakikita rin umano ng dalaga ang sarili sa katauhan ng aktor. “Parehas kami ng gusto kaya naka­kagulat na merong parang boy counterpart ko na ito. Iisa lang ‘yung gusto namin pero siya ‘yung low batt version. Ako ‘yung high energy version. So nakaka-amaze na makakita ng boy version mo which is siya,” paglalahad ng aktres.

Janella at Win, rumampa sa Hong Kong

Noong Linggo ay magkasamang dumalo sina Janella Salvador at Win Metawin sa 2024 Asian Film Awards na ginanap sa Hong Kong. Talagang tinilian ng mga tagahanga ang dalawa sa red carpet premiere ng naturang event. Gagampanan ni Janella ang karakter ni Iris na isang overseas Filipino worker sa bagong pelikulang ipalalabas sa mga sinehan sa Pilipinas simula April 17.  “I hope the film affects you. And I hope you spread the word and support local cinema. This is gonna be big for the Philippines and Thailand as well.  Please support our other premieres as well,” pagbabahagi ni Janella.

Ngayon lamang nakatambal ng aktres ang Thai superstar. Maituturing din ni Win na ito rin ang kanyang kauna-unahang international film na katambal si Janella.

Mapapanood ang Under Parallel Skies sa Pilipinas, Singapore at Thailand. “This is my first international movie as well to play with Janella. This movie has everything. Comedy, drama, romance, I think everyone should watch,” maikling pahayag ng Thai actor. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

KIM CHIU

PAULO AVELINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with