^

PSN Showbiz

Aktingang Jaclyn Jose

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Nasa kolehiyo ako nung mauso sa klase namin sa UST AB Communication Arts ‘yung panggagaya sa “monotone” acting ni Ms. Jaclyn Jose. (actually ako ang may pasimuno nyan!) Lahat kami bilib sa acting nya pero naaaliw lang talaga kami sa kung paano nya i-deliver ang kanyang mga linya. (na ine-exaggerate ko naman!)

Nung maging FM radio jock ako, isa sa mga napagtripan kong gawin on-air ay ang gayahin si Ms. Jaclyn.  Halos gabi-gabi ko syang ginawa bilang marami rin namang nagre-request. (eh, uto-uto ako!)

Isang araw nakatanggap ako ng tawag mula sa isang researcher ng  Kapuso Mo Jessica Soho ng GMA7.  (akala ko may atraso ako!) Gusto raw nilang gumawa ng feature tungkol sa pagiging DJ ko sa radyo at ang pagpapa-uso ko sa expression na may ganon?!  (dami kong naharbat sa mayganon na yan ha!) Syempre aarte pa ba ako?! Show ni Ma’am Jessica ‘yan, kaya yes agad ang sagot ko.  (so, lumipad ang kanyang team para ma-interview ako!)

Sa loob ng radio booth, isinagawa ang interview. Ikinuwento ko kung paano ako nagsimula sa radyo at kung paano ko naisip ‘yung may ganon. (ilang beses ko na yan naikwento ha!) Naging maayos ang shoot. (pack up na!)  Akala ko ‘yun na ‘yun. Pero makalipas ang isang araw, tumawag ulit si ate researcher. Tinanong kung pwede raw ba silang pumunta ng condo ko para makita ang mga koleksyon kong painting at libro. (wow feeling matalino!) Tinanong din kung pwede bang ma-interview ang mommy ko at mga kapatid ko. Mabilis din ang naging sagot ko pero this time, no ang sinabi ko. (ang taray!) Hindi ko lang talaga bet na ipakita ang bahay ko. (feeling may privacy ako!) Hindi ko rin bet na magpa-interview ang pamilya ko sa harap ng camera. (kahit maganda mom ko at pogi mga kapatid ko ha!) May instruction na ako sa kanila na ‘wag na ‘wag sila magpapa-interview kahit kanino. (or else tanggalan ko sila ng budget!) Hindi ko lang talaga bet ‘yung may mga kadramahan pa na kasama  ang pamilya ko lalo pa’t di naman sila nasa industrya. (sorry suplada ako sa part na ito!)

Kahit anong ipilit ng KMJS, hindi talaga ako pumayag. (kahit magkapitpitan pa ng ano!) After two days, eto ulit sa ate researcher. Nakiusap na lang na kung pwede na bumalik sila sa radio show ko, at kuhanan ako ng additional video materials habang umeere. Syempre ok lang ‘yun, kaya pinabalik ko sila.  Nagtaka lang ako kasi sa kanilang pagbabalik, nag-overtime ang mga tao sa office at studio. (gabi hanggang hatinggabi ang show ko that time ha!) Sabi nila mag-general cleaning daw sila. (mga charotera!) Dumating ang team ng KMJS at pumasok sa radio booth para kuhanan na ako. Napansin ko lang, tinakpan ng staff namin ‘yung glass window ng booth. Kaya hindi ko makikita ang sinumang papasok ng office. ‘Yun pala planado na ang lahat. (mga traidor! Chos!)

Sinabihan ako ng prod team na mag-Jaclyn Jose acting ako on air. Ginawa ko naman nang biglang may pumasok sa booth at sumigaw ng “May ganon?! Bakit mo ako ginagaya?!” (pero monotone pa rin ha!) Nakakaloka dahil mismong si Ms. Jaclyn ang umenter frame.  (na ‘di ko nga natunugan ang pagdating dahil tinakpan nga nila ‘yung salamin sa booth!) Namula ako sa eksenang ito, at live on air kami nang maganap ito.

Napakabait ni Ms. Jaclyn na nakipagchikahan pa sa akin at tinanong kung paano ko ginagawa ang trabaho ko. (kanina pa raw s’ya sa parking area, at nakamonitor sa akin!) Napakalaki ng pasasalamat ko sa ibinigay nyang atensyon at panahon para sa’kin. (at in fairness, cool lang sya kahit ginagaya ko sya!) Minsan nga sa isang interview nya tinanong sya kung ‘di ba sya napipikon ‘pag ginagaya sya (tulad na lang mga acla sa comedy bars!) ang sagot nya: “Hindi naman. Pakana lang kasi yan ni Mr. Fu!” (afraid!)

Nakakalungkot lang na nitong Linggo, ipinatawag na sya sa itaas at tuluyan nang iniwan ang mundong ating ginagalawan. Hindi natin makakalimutan ang mga makasaysayan niyang pagganap sa pelikula at telebisyon. (First Pinay Best Actress sa Cannes Film Festival ha!)  Hindi rin sya makakalimutan ng mga kapwa nya artista na nakasama nya sa kanyang ilang dekada sa showbiz.  ( at ‘di ko makakalimutan ang panggugulat nya sa radio show ko!) Nakikiramay kami sa mga naiwang kaibigan, kapamilya at mahal sa buhay. (nag-iisa ka po Ms. Jaclyn.. at sinasabi ko ‘yan the Jaclyn Jose way! Rest in Peace…)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com 

vuukle comment

JACLYN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with