^

PSN Showbiz

Isa na akong Mega Marites

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Mahigit isang dekada na akong nagho-host sa harap ng camera (parang lola na pero fresh pa!) at karamihan sa mga programa ko ay showbiz talk show. (bilang makoda ako!) Ang pinaka huli kong show na puro ka-showbizan ay ang Take It Take It Meganon kasama ang nag-iisang Nay Lolit Solis dito sa Pilipino Star Ngayon Digital. (dami kong nagetlak dyan!) Pero bilang mas pinili na lang ni Nay Lolit ang mangolekta na lang ng harbat, tumigil kami sa pag-ere. (huuuy! nagpapalakas ng katawan ang Donya Lolita!)

Sa gitna ng pag-aabala ko sa ibang online shows ko tulad ng aming WTFu, may dumating na oportunidad na sumabak mula sa tsismisan. (ayaw akong tantanan!)

Nagsimula lang sa simpleng chat namin ni showbiz columnist Rose Garcia. Napag-usapan namin ‘yung digital show niyang Marites University kung saan s’ya ang tinatawag na Phd at kasama ang kapwa niyang beterano sa entertainment industry na sina Dean Jun Nardo at Prof Ambet Nabus. (may mga sinasabi sa lipunan!) Napunta sa usapang gusto ko raw bang samahan sila. (may outing ba?!) Bilang ‘di ako tumanggi sa grasya, ang sinabi ko lang: Go! Matapos lang ng 30 mins, tumatawag na sakin si Sir Patrick Domagaso, ang head ng Scott Media na kumpanya ni Sir Yorme Isko Moreno at producer ng Marites University. (ambilis umaksyon!) Tinanong ako ni Sir Patrick kung keri ko raw ba maging guest host kahit 2 episodes lang muna. Syempre sabi ko: Go! (aarte pa ba ako?!)

Sa unang salang ko, kasama ko sina Rose at Jun. (nasa US kasi si Ambet para sa isang pangmayamang bakasyon!) Bilang magkakakilala naman kami, naging magaan at masaya ang show. (hindi plastikan ha!) Tinawag nila akong Mega Maritess (dahil sa meganon!) Maraming views. (libu-libo ha, at may nagpapadala pa ng anda mula sa iba’t ibang bansa!) Marami rin ang positibong feedback. (as in, kung pwede ko lang sila i-kiss isa-isa!)

Nung bumalik ako para sa pangalawa kong episode, kinausap ako Sir Patrick bago pa man ako umere.  Tinanong n’ya ako kung bet ko raw ba maging regular host na. (ay ang ganda ko!) Syempre sabi ko: Go! (gumana ang powers ko!)

Lalong naging masaya ang airing namin.

Naging mainit ang pagtanggap sa’kin ng mga hosts, staff at viewers. (feeling close agad ganyan!) Thank you Sir Patrick at Sir Yorme sa pagtitiwala. (Let’s do this!)

Hindi nagpapahuli sa showbiz balita ang Ma-rites University. (bawal ang natutulog sa pansitan!) Maayos, Masaya at Magaan panoorin. (para lang kaming may kwentuhan sa canteen o sa bahay ng kaklase!) Bongga pa ang set! (pang mayaman at high tech ang facilities ng Scott Media ha!)

Kaya watch na kayo.  Lunes at Huwebes. 9pm. Live sa Youtube at Facebook ng Marites University. (Attend na ng klase! Walang a-absent!)

(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon.

FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

vuukle comment

HOST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with