^

PSN Showbiz

Mayor Javi, nakalimutan ang ginawa ng tatay!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mayor Javi, nakalimutan ang ginawa ng tatay!
Albee Benitez at Javi Benitez

Hindi ko lang napigilan sarili ko kaya naisulat ko ‘yung tungkol kay Mayor Javi Benitez.

Nainis lang ako sa kanyang comment tungkol sa inaakala niyang unfairness ng showbiz press sa kanyang pamilya.

Hindi niya yata nakuha ‘yung relationship ng kanyang father na si Mayor Albee Benitez sa writers kaya kahit biruan binibigyan niya ng kulay.

Kung sakali man at nasusulat ang mga biro ng ilan sa father niyang si Mayor Albee sana i-take niya lang ito bilang clean joke.

Nasa showbiz din ang GF niyang si Sue Ramirez. Dapat alam niya kung ano ang seryoso at kung ano lang ang biruan. Dapat sana huwag din siyang nagsasalita na parang minamaliit niya ang showbiz press.

No matter what, I can say na kaya naming harapin nang taas noo kung anuman ang gustong ibato ni Mayor Javi  sa showbiz writers. We stand tall at hindi kami nahihiya na taga-showbiz kami. So be it.

 Huwag sana siyang maging mapanghusga at magsalita ng out of line dahil lang sa nakita niyang relationship ng showbiz press sa kanyang father.

No matter kung anuman ang inaakala mong out of line na ginagawa ng press reporters respectable at credible pa rin sila.

Sana naman igalang din sila ni Mayor Javi gaya ng paggalang na ibinibigay ni Mayor Albee Benitez sa mga writer.

vuukle comment

MAYOR

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with