^

PSN Showbiz

Bawal mag-retire si Boyet

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Napapadalas na naman akong mabitbit ni Nay Lolit Solis sa mga lunch n’ya. (I’m sure miss n’ya kasi ako!) Two weeks ago, ka-lunch namin si Ms. Aileen Go ng Megasoft hygienic pro-ducts na proud na proud sa endorser niyang si Kim Chiu. (pwede kaming partner ni Kim ha,  FUkim!) Last week naman, present kami sa pa-lunch ng showbiz power couple na sina Sir Christopher De Leon and Ms. Sandy Andolong.  Kumpleto ang honorary members ng Team Lolit na sina Salve Asis, Gorgy Rula, Pat P Daza at Leo Espinosa. May pag-appear din si Noel Ferrer (na dati kong talent manager at ngayon reyna ng MMFF!)

May ilang beses ko na rin nakikita sa mga showbiz events sina Christopher at Sandy pero ngayon ko lang sina nakachikahan nang matagal. (more than 4 hours ‘yung lunch ha!)  In all fairness looking young sila. (mas fresh pa sa fresh!) No pork diet daw para sa ating Best Actor at regular na pagwo-workout. Maalaga rin si Sandy sa pangangatawan kasabay ng positive na pananaw sa buhay. (ginagawa ko rin ‘yan para ma-maintain ang aking Darna figure!)

Masaya si Christopher sa naging suporta ng publiko sa kanila  ni Ms. Vilma Santos sa MMFF entry nilang When I met you in Tokyo.  Dito napatunayan na sadyang wala silang kupas bilang mga mahuhusay at iginagalang na artista.  Naging malaki rin ang role ni Christopher sa produksyon dahil ginabayan n’ya ang acting, directing at scripting. (all in one si Papa Boyet!)

Pa-fly s’ya sa Los Angeles ngayong buwan para sa Manila International Film Festival. “I’ll be there for five days then I will go to my son sa San Francisco. “ (ay pwede po ako PA sir!)

Pagbalik ng Pinas, balik taping s’ya para sa Batang Quiapo at may asikasuhing shows with Tirso Cruz III. Nagbabalak din s’yang magdirek at mag-produce ng pelikula. “I have several scripts at hand right now. It’s super dami.  May mga materials. ‘Yung casting lang ang problema.” (actually naki-brainstorming ako dun sa cast ng posibleng movie!)

Kaya walang wala sa bokabularyo n’ya ang retirement. : “No retirement. Out of the question. Doon ako lalong madaling mamamatay. I mean, I can lie low. You know, accept good movies or good offers, but ‘yung completely retire. Hindi.”  Pagpapaliwanag ni Christopher. (yes bawal mag-retire, sir!)

Marami pang napag-usapan sa makasaysayang lunch pero ‘di na pwede pa iispluk. (unless i-post na Nay Lolit sa IG n’ya!)At bilang first time kong makakawentuhan ang true gems ng Philippine showbiz, hinila ko sila sa isang sulok kung saan may magandang ilaw, para sa pictorial! (as in inutusan ko silang tumayo ha!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with