^

PSN Showbiz

Harvest of the Universe

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Mahigit isang dekada na rin akong nahuhumaling sa art. (at sa mga lalaki, chos!) Na-inspire ako sa pangongolekta ng painting ni Sir Manny V. Pangilinan. (o ‘di ba close kami?!) Noong nasa TV5 pa ako, nag-host ako ng isang event sa Hong Kong. (pang international ang beauty ko ‘day!) Pagkatapos ng program, dinala kami ni Sir MVP sa opisina nya roon kung saan sa hallway at kwarto nya ay punung puno ng artworks mula sa mga sikat na Filipino artists. (ang lakas maka-yaman!) Sabi ko sa sarili ko, kakaririn ko rin ang art. (bilang may angkin akong ka-artehan!)

Nagsimula ako sa mga painting na may temang harvest. Pwedeng ani ng palay o kaya naman pangingisda. (hindi harvest ng boylets ha!) Good vibes kasi ‘yan at nangangahulugan ng pagkakaroon ng masaganang pamumuhay. (very feng shui ha!) Maraming celebrities ang may ganyang tema ng painting sa kanilang mga bahay o opisina tulad nina Kabayan Noli de Castro, Senator Grace Poe, Congressman Richard Gomez, Manila Vice Mayor Yul Servo, Former Manila Mayor Isko Moreno at Sir Joey De Leon. ( ay magkasunod pa sila ni Yorme sa billing!)

Tulad ng ibang mga kolektor, sa pagdaan ng panahon, may pagbabago sa mga gusto kong artwork pero nasa listahan ko pa rin ng paborito ko, ang mga palay at isda. (pwede rin prutas like.. saging!)

Kaya naman sa unang buwan ng 2024, naisip ng aming FUk gallery.art.soul na mag-exhibit ng mga obrang may kinalaman sa masaganang ani. Tinawag namin itong: “Harvest of the Universe.” (i-harvest na ‘yan!)

Tampok dito ang mga gawa ng ilang sikat na pintor tulad nina Bernardo Maac, Nell Campos, Jose Yap Baguio, Angel Moreno and Blaine San Luis. May ilan ding mga pininta ng mga baguhang artists. Ilan sa mga ito ay bahagi pa ng aking personal na koleksyon. (pwede ko na ilet go, basta i-buy ha!)

The theme harvest will always be part of FUks collection. Mapa lumang obra o mga gawa ng batang artist, gusto namin may ganyan kami palagi. Hindi mawawala. First, many clients are interested with this subject. Second, it really gives good energy at the gallery. “ Pagbibida ni Miranda Mendoza, FUk Art Associate. (kaya mag-harbat ka pa ng mga ganyan ‘day!)

Magsisimula ang “Harvest of the Universeart exhibit sa January 18, 2024 hanggang February 8, 2024 sa FUk gallery.art.soul Ortigas Center Pasig. (i-check lang ang ig na @fukgalleryartsoul at fb na FUk gallery para sa mga detalye!)

We will be exhibiting different kinds of art techniques and inspirations of artists. We will be more than willing to assist art enthusiasts. Isa itong magandang pagsisimula ngayong 2024, ang magkaroon ng artwork na nagpapakita ng kasaganahan, para lalong maka-attract ng magandang buhay ang pamilya.” Pagpapaliwanag ni Miranda. (baka maka-attract din  tayo ng boys!)

 

 

(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )

vuukle comment

MANNY V. PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with