^

PSN Showbiz

Bodybuilding, bikini, bangus at bading

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Naging kampante noon si John Michael Dela Cruz sa kanyang pangangatawan.

Hindi niya pinansin ang paglaki ng kanyang timbang. Pero isang kaibigan ang naghimok sa kanya na magbuhat ng bakal sa gym. (pa-hug naman, bro!)

“Tumaba talaga ako noon. Nung nakita ako nung kababata ko, sabi n’ya, ang pangit ko raw. Kailangan ko na raw mag-workout. Siya nagsama sa’kin sa gym. Pinagpursigihan ko at nagustuhan ko naman ang resulta,” pag-alala ni John Michael. (nagustuhan din kita, bro!)

Ang pagpapaganda ng katawan ang nagbigay sa kanya ng mga raket. “Na-discover ako noon ng isang agent. Sinali n’ya ako sa mga bikini contest at modelling. Tapos bilang tuloy-tuloy ‘yung paggy-gym ko, may mga nakilala ako na mga nasa bodybuilding kaya napasok din ako dun. ‘Pag wala ako sa bikini contest, nasa bodybuilding ako.” (basta ako nandito lang para sa’yo, bro!)

Hindi rin n’ya pinalagpas ng 25 anyos na high school graduate ang mga gig sa showbiz. “Mahiyain talaga ako. Pero kapag may VTR, pinupuntahan ko naman.  May mga ilang project na naging talent ako. May mga nag-e-encourage sa’kin na magpa-sexy sa pelikula pero mahiyain talaga ako. Siguro naman, kakayanin.“ (alisin ko ‘yang hiya mo, dali!)

Abala rin siya ngayon sa pagnenegosyo. Nagde-deliver s’ya ng mga isda sa palengke. (ay patingin ng isda mo, bro!)

“Kumukuha ako ng isda, mga bangus sa Malolos tapos sinu-supply ko sa mga palengke tulad sa Muñoz at may isa pa. Ako mismo nagbubuhat, kasama ko ‘yung kapatid ko. Naging negosyo na namin ‘yan kasama ang nanay namin. Nagsisimula kami ng hatinggabi palang,” paglalahad ni John Michael. (alam mo bang minsan sirena ako?!)

Sa kanyang guesting sa aming youtube channel na WTFu, inamin ng Pampaguenong binata na maraming nagpapasakalye sa kanyang mga bading. (ay h’wag mo pansinin!) May nakarelasyon na rin s’ya na tumagal ng maraming taon. (ay may chance ako!)

“Matagal tagal din kami. ‘Di ko s’ya itinuturing na basta lang bading. Kasi wala mangyayari ‘pag ganun. Itinuturing ko s’ya bilang pamilya. Pero syempre may mga ‘di pagkakaintindihan kaya nawala rin. Mabait ‘yun, parang ikaw lang din, Mr.Fu,“ pagkukuwento ni John Michael. (ayan na! so pwede tayo, bro?!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

vuukle comment

GYM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with