^

PSN Showbiz

Kiko at ex-Vise Presidente Robredo, nirekomenda ang gomburza

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kiko at ex-Vise Presidente Robredo, nirekomenda ang gomburza

“Para sa liwanag,” pahayag ni former Sen. Kiko Pangilinan pagkatapos manood ng pelikulang GomBurZa.

At nire-rekomenda niya ito sa mga kabataan.

“Nanuod kami nina Frankie, Miel at Miguel ng GOMBURZA  with VP Leni, Aika, Atty Chel Diokno at ilan sa cast/crew na sina Pepe Diokno, Cedrik Juan, Enchong Dee, Elijah Canlas.

“Must-see film na dapat panuorin lalo na ng mga kabataan (kaya ko dinala mga bata)! Para sa ating mga anak. PARA SA LIWANAG!

“Bravo!”

Hindi lang si Kiko ang napapalakpak sa pelikula. Maging ang mga ordinaryong manonood ay nagandahan at napahanga.

Maraming hindi nakakakilala sa GomBurZa -tatlong Filipino Catholic priests, Mariano Gómez, José Burgos, and Jacinto Zamora na pinatay sa pamamagitan ng garote noong Pebrero 17, 1872, sa Bagumbayan, ng mga awtoridad ng Espanya.

Hindi nagbago ang pila sa mga sinehan hanggang kahapon.

Ang dami pa ring nanonood na sana naman ay ganito rin ‘pag ipinalabas ang mga pelikula next year.

‘Cheers to a fantastic new year’

Happy new year.

Nawa’y ngayong taon ay magdala sa ating lahat ng mas maraming tagumpay, happiness at blessing.

Cheers to a fantastic New Year!
Salamat sa lahat ng suporta sa Pilipino Star NGAYON at Pang Masa.

vuukle comment

GOMBURZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with