^

PSN Showbiz

Dating beauty queen/actress Jean Saburit, nakapag-invest sa alahas!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Dating beauty queen/actress Jean Saburit, nakapag-invest sa alahas!
Nicole
STAR/ File

Sa totoo lang, isa talaga ang former beauty queen and actress na si Jean Saburit sa mga hindi kumbaga nag-iba ang hitsura.

Aging gracefully si Ms. Jean at hindi retokada ang peg.

“Talaga? Siguro I know how to handle ‘yung mga problema. Hindi ko masyadong sineseryoso and I leave it to the Lord. Nagpi-pray lang ako ‘pag you know sabi nga sa Corinthian ‘di ba ‘So do not worry about tomorrow; for tomorrow will worry about itself. And leave it to the Lord,” paliwanag ni Jean nung naka-chika namin sa birthday ni Tita Annabelle Rama last week.

Ano ba ang beauty secret mo bukod sa Diyos?

“Well, of course kailangan natin you know, ako hindi nagso-soap kasi sa mukha eh. Kapag tinanggal ko ‘yung make up, parang oil lang sa makeup and I do my own makeup. Hindi ako masyadong nagma-make up kapag sa bahay naka-ano lang ako. Wala, walang makeup,” sagot ng nanay ni Nicole Anderson na super in demand ngayon as host ng mga corporate show hanggang abroad.

At higit sa lahat, yumaman siya at maayos ang kinalagyan ng mga kinita sa showbiz.

At kabilang sa mga nagturo sa kanya para maging maayos ang pera niya, si tita Annabelle Rama.

“Oo, kasi nakita rin naman ni Tita Annabelle. Tinuruan din niya ako na ‘oh mag-invest ka sa alahas day’ gan-yan-ganyan so sabi ko o sige Tita. So nag invest ako kasi ang alahas talaga kapag wala kang pera i-unload mo lang ‘yung alahas mo may pera ka na,” pag-aalala niya.

Maging sa pagpapalaki ng anak niyang si Nicole, malaking bagay rin ang ginawa ng mommy nina Ruffa and Richard Gutierrez.

“Saka si Tita Annabelle natuto akong... alam ko kung paano mag-alaga and binigyan niya na ako ng briefing nung nag-teenager na si Nicole, kung how to handle her kasi kinukwento niya kung paano niya hinandle si Ruffa. Natatawa nga ako eh.”

So tinuruan ka niyang paluin ng hanger si Nicole?

“Hindi naman. Pero syempre ako ‘yung single, kapag single parent ka mahirap kasi kailangan maging mahigpit ka sa mga barkada, friends ganyan. Syempre ayaw mo naman, sino bang magulang ang gustong mapariwara ang anak niya.”

Kaya naman fulfilled at ini-enjoy na lang niya ang kanyang buhay sa kasalukuyan.

This month ay naka-schedule ang mag-inang Jean and Nicole na mag-tour sa Europe.

Katatapos lang naman gawin ni Jean ang limited series na Maging Sino Ka Man.

vuukle comment

JEAN SABURIT

NICOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with