^

PSN Showbiz

Sunshine, ayaw nang magpabebe sa love life!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sunshine, ayaw nang magpabebe sa love life!
Sunshine
STAR/ File

Diretsahan kaming sinagot ni Sunshine Cruz na wala muna siyang panahon sa lovelife. “Tapos na ang pabebe, ang tanda na natin,” mabilis niyang sagot nang kumustahin namin ang love life niya sa ambush interview sa nakaraang 71st birthday party ni Tita Annabelle Rama.

Hindi naman daw sarado ang puso niya, pero kung ibibigay raw sa kanya ng Panginoon, tatanggapin niya. “Kung ibibigay sa atin, why not. Pero parang nagutom ako,” saka siya umalis dahil kakain na raw siya.

Hindi tuloy namin nasundan ng tanong kung totoo ba ‘yung narinig naming merong isang kontrobersyal na businessman na nali-link sa kanya.

Kung totoo ‘yun, tiyak na magkakaroon ng ingay dahil involved din itong si kontro­bersyal negosyante sa isang kontrobersyal na aktres.

Naibulong lang sa amin ang tsismis na ‘yun, at hindi pa namin naitanong kay Sunshine para tingnan ko kung ano ang reaksyon niya.

Samantala, nakakatuwa nang magkita silang dalawa ni Cesar Montano sa nasabing birthday party ni Tita Annabelle.

Sabi naman ni Sunshine, okay na sila ng dating asawa at close raw siya sa kasalukuyang partner ng actor/director. “Wala na dapat ‘yung galit. Kung ang sugat na napakalalim naghihilom in time. So kami, 2013 pa kami naghiwalay, it’s about time.
“Saka ang saya ng mga bata,” bulalas ni Sunshine.

Bigla ko tuloy binalikan ‘yung birthday party ni TIta Annabelle, naalala ko mag-isa lang pala roon si Richard Gutierrez, at hindi kasama si Sarah Lahbati. Nasa Ins­tagram account ngayon ni Sarah na nasa bakasyon siya kasama ang dalawa nilang anak at si Mommy Ester niya.

Bakit nga ba hindi kasama roon si Richard?

Sana hindi talaga totoo ‘yung kumakalat na balita. Napakaganda nilang couple. Kung nagkakaproblema man, sana maayos pa at sila pa rin.

Gladys, ‘napigilan’ sa pagpapa-sexy si Christopher

Nakakabilib naman ang samahan ng mag-asawang Christoper Roxas at Gladys Reyes.

Nagbakasyon sila nitong long weekend kasama ang mga anak nila at ang Mommy Zeny ni Gladys.

Sabi ni Gladys, tamang-tama raw natapos na siya sa It’s Showtime at break naman sa taping ng Black Rider na magsisimula na sa primetime sa Nov. 6. Kaya gusto naman daw nilang mag-bonding, lalo na’t hindi pa raw na-experience ng anak nilang si Gavin ang Boracay.

Nagulat si Gladys nang sinabi namin sa kanya na binibigyan na pala ni Christopher ang sarili ng five years, puwede na raw siyang mag-retire sa showbiz.

“I’m semi-retired na sa showbiz,” pahayag ni Christopher nang nakapanayam namin sa red carpet premiere ng pelikula niyang Haligi ng CEBSI Films. “May timeline ako sa sarili ko, in five years’ time, ‘yung sa negosyo namin e maging maayos na lalo, para na rin siyempre sa stability ng negosyo.
“’Yun nga, sa earnings din, marami pa akong pangarap sa sarili ko. Yeah! I’m giving myself five years. Hopefully, on track okay naman kami,” dagdag niyang pahayag.
Maganda kasi ang partnership nilang mag-asawa sa mga sinimulan nilang negosyo.
May commissary sila para sa kanilang Sommereux catering at meron silang bagong bukas na That’s Diner sa San Pedro, Laguna. “Ang kagandahan lang dito, ‘yung catering, ‘yung restaurant, That’s Diner, lahat ‘yan si Christopher ang may idea niyan ano. Kasi ako naman pagdating sa pagluluto... marunong ako magluto, pero hindi ako ganun ka-passionate.

“Si Christopher kasi may background e. Ang mga magulang niya restaurateur before ‘no? Dati may restaurant sila, ang father niya French, si Mommy Bicolana, ako naman Kapampangan
“Ako ‘yung role ko, ako ‘yung nasa market, ako ‘yung tagabenta sa tao, ako ‘yung taga-PR. Ako ‘yung sa marketing,” pakli ni Gladys.

Naging mapili naman daw si Christopher sa projects na tinatanggap, at nakikita niyang mas naka-focus na siya sa kanilang mga negosyo.

Ang Viva ang nagma-manage kay Christopher, kaya may projects na binibigay sa kanya para sa Vivamax.

Pero ayaw naman daw ni Gladys na lumabas siya sa Vivamax, kahit hindi naman siya maghuhubad.

Sabi pa ni Gladys, hindi naman daw niya makontrol ang asawa niya kung gusto talaga nitong gawin. “Sabi ko sige. Pero sa isip ko talaga, hindi ako ganun ka-solve na tanggapin niya ‘yun. E di ano... ang uso nu’n swab swab, e di nag-positive siya. Hindi niya nagawa. So sabi ko, ayokong sabihin sa kanya, pero parang Divine intervention. Ayaw talagang ipagawa sa kanya. Siyempre hindi na niya magagawa kasi nag-positive siya. Kailangan niya mag-quarantine.

“Hindi naman sa ako natuwa. Pero sabi ko lang, baka hindi naman talaga meant na gawin. Kasi, kahit hindi naman sexy ‘yung gagawin niya, but the theme itself, ‘yung kabuuan, siyempre alam naman natin ‘di ba?

“Let’s be honest, kapag Vivamax talagang ang tema, seksing tema,” natatawang kuwento ni Gladys sa amin.

 

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with