^

PSN Showbiz

Aktor nagbibisyo na naman, tinigok sa teleserye

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Producer inaway…

Bumalik na naman daw sa dating bisyo itong magaling na actor.

Ang latest kasing nabalitaan namin, apektado na naman daw ang trabaho at nahihirapan na rin ang mga co-actor niya.

Hindi ko lang maidetalye kung ano na naman ang bisyo nito, dahil obvious na kung sino ang tinutukoy natin.

Pero ang hindi lang daw maganda rito kay aktor, laging nasa fighting mode raw ito.

Kapag nasa bisyo siya, parang type niyang makipag-away.

Ang latest daw na pinagtripan nito ay ang producer niya na gumawa ng napakagandang pelikula na nagpalutang lalo sa galing niya sa pag-arte.

Hindi lang maidetalye sa akin ng aking source kung ano talaga ang ikinagalit niya, pero pinagtitripan daw nitong awayin ang kanyang producer.

Ayaw rin ikuwento sa akin ng aking source kung ano ang ginagawa niya sa set ng teleseryeng ginagawa niya. Pero nag-decide na raw ang production na patayin na lang ang karakter nito.

Umaangal na rin daw ang ilang co-actors dahil kapag may tama ito sa bisyo niya, apektado silang mga kaeksena nito.
Kaya mabuti na lang daw na tanggalin na ito.

Mababalitaan naman natin isa sa mga araw na ito na wala na si magaling na aktor sa teleseryeng ginagawa niya.

Mapapanood naman natin sa mga susunod na episodes kung kasali pa rin siya o tigok na ang kanyang karakter.

Abangan na lang natin!

Gabby, hindi alam kung ano ang ‘status’ nila ni Sharon

Balik na sa face to face / hybrid ang pagdiriwang ng Gabay Guro na pina­ngungunahan ng chairperson nilang si Ms. Chaye Cabal-Revilla.

Online lamang nung mga nakaraang taon dahil sa pandemic ang naturang advocacy program ng PLDT.

Nagkaroon na ito ng kick-off event sa Butuan City na tinawag nilang Together4Teachers na dinaluhan ni Sen. Imee Marcos at  celebrities na mga volunteers sa taunang pagdiriwang tulad nina Pops Fernandez, Mark Bautista, Jed Madela, Jona,  Daryl Ong, Ate Gay, at Regina Otic.

Bukas ay meron din silang tribute sa mga teacher na gaganapin naman sa Dolphy Theater.

Pinamagatan itong Pagpupugay at Pasasalamat Kay Ma’am at Sir na kung saan makikisaya ang mga kilalang star at mamimigay ng malalaking premyo kagaya ng kotse, cash prizes at gadgets sa mga masuwerteng guro.

Nasa live streaming ito at sa mga interesadong sumali ay mag-register lang daw sa Gabay Guro app.

Kabilang sa magbibigay saya sa mga guro ay sina Sharon Cune­ta, Regine Velasquez, Gabby Concepcion, Ogie Alcasid at marami pang iba

Pinag-usapan ang hu­ling event nito nung 2019 dahil doon nagkita sina Sharon at Gabby at biglaang nagkaroon ng duet.

Naging okay na sila pagkatapos nu’n at meron na nga silang Dear Heart concert sa SM MOA Arena sa Oct. 27.

Kaya tinanong namin si Gabby sa presscon ng Gabay Guro kung magkikita ba sila uli sa nasabing event ng Megastar.

Kasama kasi sa promo ng concert na hindi sila dapat magkikita, kundi doon na lang sa concert.
“Hindi ko kasi pinaplano e. Go with the flow lang ako,” pakli ni Gabby.

“Kung ano ‘yung sinabi ng production. Kung ano ang plano ng committee na gumagawa nu’n, okay lang,” dagdag niyang pahayag.

Hindi na raw apektado si Gabby sa mga intriga pa lalo na sa kanila ni Sharon. Mas okay raw na magkakaayos na ang lahat, at marami nga ang nag-aabang na fans nila sa nalalapit nilang concert.

“Dumating na kasi ako sa punto na kahit na anong intriga, e di saluhin mo na lang, because nung pumasok ako ng showbiz, mas lamang ‘yung intriga ako e sa diyaryo.

“Bahala kung anong meron, e di go lang,” sabi pa ni Gabby.

Hindi rin daw masabi ni Ms. Chaye kung magkikita ba uli sina Sharon at Gabby sa Gabay Guro event bukas.

“Nagulat nga ako nung presscon natin, nandudun siya. Kasi hindi ko naman akalain na nandudun siya.

“Tutal na napag-usapan na rin lang. it would be a nice concert. Okay lang ako. Anytime na nandiyan siya...okay lang kami. Friends na kami...well, hindi kami friends, pero...hindi kami friends e, ‘pag friends baka may mangyari pa, ‘di ba? Pero ibig sabihin, okay na kami,” napapangiting pahayag pa ni Gabby.

vuukle comment

ACTOR

GABBY

SHARON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with