^

PSN Showbiz

Aga, Richard, Gabby at Nino, kasama sa paparangalaN ng 6th EDDYS

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Aga, Richard, Gabby at Nino, kasama sa paparangalaN ng 6th EDDYS
Richard
STAR/ File

Walong tinitingala at itinuturing nang haligi ng entertainment industry ang gagawaran ng espesyal na pagkilala sa gaganaping 6th Entertainment Editors’ Choice o The EDDYS ngayong 2023.

Bibigyang-pugay ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa ikaanim na edisyon ng The EDDYS ang hindi matatawarang kontribusyon ng mga napiling Icon awardees sa industriya ng pelikulang Filipino.

Ang mga EDDYS Icon honorees ngayong taon ay sina Aga Muhlach, Richard Gomez, Gabby Concepcion at Niño Muhlach.

Ganundin sina Snooky Serna, Jaclyn Jose, Barbara Perez at Nova Villa.

Samantala, kabilang naman sa mga bibigyan ng Isah V. Red Award sina  Rosa Rosal, Coco Martin at Piolo Pascual para sa walang sawa nilang pagtulong at pagbibigay ng inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan.

Igagawad naman ang Joe Quirino Award sa veteran  entertainment columnist, dating TV host at content creator na rin ngayon na si Aster Amoyo.

Ang beteranong manunulat naman at dati ring entertainment editor na si Ed de Leon ang tatanggap ng Manny Pichel Award.

Samantala, ang napiling Producer of the Year naman ay ang Viva Films habang ang Rising Producer of the Year naman ay igagawad sa MavX Productions.

Kamakailan ay inihayag na ng SPEEd ang magaganap na 6th Entertainment Editors’ Choice sa darating na Oktubre, 22, 2023 sa EVM Convention Center, 37 Central Avenue, Quezon City, mula sa direksyon ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon.

Ihahatid ng Airtime Marketing Philippines na pag-aari ng event producer na si Tessie Celestino-Howard ang ikaanim na edisyon ng The EDDYS.

Magkakaroon din ito ng delayed telecast sa Net25 na pinamumunuan ng Presidente nitong si Caesar Vallejos, sa Oct. 28, 2023.

Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.

Mamimigay ng 14 acting at technical awards ang SPEEd para sa 6th The EDDYS na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2022.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangu­nguna ng presidente nitong si Eugene Asis ng People’s Journal.

vuukle comment

EDDYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with