^

PSN Showbiz

Dalawang male celeb, ‘di maawat sa pagtatalo sa isang party!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Ang bilis kumalat ng kuwento tungkol sa diumano’y nangyaring gulo sa isang birthday party nung nakaraang linggo.

Nagkaroon daw nang matinding pagtatalo ang dalawang male celebrity.

Iba-iba ang kuwento ng ilang taong naka-witness sa gulong ‘yun pero matagal daw ang pagtatalo at sinikap pa raw ng mga nandun na pag-ayusin sila pero hindi ‘yun nangyari.

Nakainom na raw ang isa sa kanila, kaya hindi maawat ang pagtatalo.

Ang nakakalungkot lang sa gulong ito, apektado ang isang sikat na aktres na parehong malapit sa kanya.

Nagsimula muna ito sa blind item, pero may mga nakapag-video raw sa nangyaring gulo na halos isang oras daw tumagal.

Kaya baka isa sa mga araw na ito ay may makapaglabas sa blog o kung kanino mang social media account.

Sana huwag naman, dahil ang sa tingin naming maapektuhan at kawawa sa nangyaring gulo ay itong si sikat na aktres na piniling tahimik na lang at iniiwasan nang pag-usapan ang mga isyung pinagdaanan niya.

Sharon, nilinaw ang intriga sa billing nila ni Gabby

Minabuti ng pamilya ni Sharon Cuneta, ang dating Sen. Kiko Pangilinan at mga anak nila, na huwag nang manood sa Dear Heart concert nina Sharon at Gabby Concepcion para hindi na magkaroon ng pagkailang.

Siyempre, para ito sa fans nina Sharon at Gabby na marami pa rin talagang sumusubaybay sa kanila hanggang ngayon.

Kaya para mas mag-focus sa kanilang love­team, mas mabuting hindi nanonood si Sen. Kiko at kanilang mga anak.

“This is for our audience, and I don’t think kailangang makita pa ng asawa at mga anak ko ‘yun. Except KC of course,” pakli ni Sharon sa nakaraang press conference ng Dear Heart: The Concert.

Kaya all-out ang pagpapakilig nila sa concert na ito.

“Yes. Depende sa kanya kasi babae ako e. Siyempre, hindi puwedeng ako ang lumapit,” sabi uli ni Sharon.

Bahagi ng kanilang publicity, dapat ay hindi sila makikitang magkasama.

Kaya sa naakaraang mediacon, si Gabby muna ang isinalang at kasunod si Sharon.

Pero nagpang-abot pa rin sila na kung saan ang saya lang nilang tingnan na magkasama silang dalawa. Nagkabeso-beso at may hirit pang pa-cute si Gabby na dating Concepcion naman daw noon ang Megastar.

Hanggang dun na lang ang pagkikita nila, at ang kasunod ay sa mismong araw ng concert na gaganapin sa SM MOA Arena sa Oct. 27.

Ani Gabby, “’Yun ang plano kasi. Part of the plans, publi­city sa gimmick na hindi kami magkikita until the show.

“In fact, wala kaming rehearsals together.

“So, yeah sa show na lang kami magkikita para ‘yung reaction namin para...”

Natawa si Sharon nang tinanong namin sa kanya kung malaking challenge ito sa kanya dahil hindi Regine Velasquez, Martin Nievera o ang mga kilalang concert artists ang makakasama niya sa concert na ito.

Si Gabby na mas kilala sa pagiging magaling na aktor at sinabi naman niyang idadaan niya sa acting ang pagkanta niya.

“Malaki! Malaki in a happy way,” natatawang sagot sa amin ng Megastar.

“Alam ko lang na magtatrabaho talaga ako.... na kakanta ako. Pero in terms of preparation, hindi ako nagpi-prepare ng vocal gymnastics.

“Ano lang, relax lang. Feel good lang. Good vibes lang.

“Looking forward lang ako na mapasaya ‘yung audience. ‘Yun lang talaga ‘yung gusto ko, mapasaya lang talaga ‘yung audience, magpakilig, mag-memories kayo, magpa-reminisce kayo,” dagdag niyang pahayag.

Basta sabi naman ni Sharon, nandiyan lang siyang sumalo kay Gabby kung sakali. Titiyakin niyang walang sapawang mangyayari.

Keri naman ni Gabby mag-concert dahil isa nga siya sa mga magagaling na aktor na may pinakamagandang boses.

Samantala, nilinaw rin ng Megastar na hindi isyu ang billing sa kanila ni Gabby.

“Ngayon ko na sasabihin ito. Dapat ‘pag may pelikula, una talaga si Gabby sa billing.

“Kasi it’s been Sharon and then him since Dear Heart. And I feel na… he’s not happy with that. And rightly so.

“Pero sa pagkanta, Sharon muna. Kasi, 12 ako nag-start! Saka singer ako! So ‘yun naman.
“Wala akong problema dun. Diyos ko! I know my place in the business. Anyone knows what I’ve worked for, what I’ve arrived at, where I am.

“There’s nothing I have to prove but I need to give that respect to Gabby. It makes me happy. It will make me happy.

Pero sa concert, una ako, ha? Kasi dun lang tayo sa totoo. Pero sa pelikula, ‘pag gagawa man kami, dapat talaga mauna siya sa billing,” saad ni Sharon.

vuukle comment

GABBY

SHARON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with