^

PSN Showbiz

PTV 4 at IBC 13, walang planong suwelduhan si Willie Revillame!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
PTV 4 at IBC 13, walang planong suwelduhan si Willie Revillame!
Jimmy, Willie at Ana
STAR/ File

Inasahang papag-usapan sa mediacon ng PTV 4 nung Biyernes ng tanghali ang balitang pagkakaroon ng Wowowin ni Willie Revillame sa naturang TV network. May post kasi sa Facebook page ng Wowowin na kuha ni Willie kasama ang presidente ng IBC 13 na si Mr. Jimmy Policarpio at ang General Manager ng PTV 4 na si Ms. Ana Puod. Ang nasa caption, “Hindi na Chismis! Malapit na malapit na.”

Kaya isa ito sa unang tinanong kay Ms. Ana kung totoo bang sa PTV 4 na ang Wowowin: “It’s still under negotiations. It’s a tripartite discussion with IBC 13 and then PTV saka kay Willie po.”

Bale partnership daw ito ng PTV 4, IBC 13 at ang production ni Willie Revillame.

Sabi pa ni Ms. Ana, sabay na mapapanood ang programa ni Willie sa PTV 4 at sa IBC 13. Posibleng pati sa social media account ng Wowowin.

“Hopefully with two stations broadcasting this content, e mas marami pong Pilipino ang makakapanood po,” pakli ni Ms. Ana.

Ayaw pa talagang kumpirmahin ni Ms. Ana dahil dina-draft pa raw ang kontrata pero maaring nasa 75 hanggang 80 percent daw na matutuloy ito.

Nasa ghost month pa tayo kaya ayaw rin ni Willie na i-finalize o magkaroon ng formal announcement bago mag-Sept. 15. “Ang problema kasi sa PTV 4, under kasi ito ng COA. So, anything na... mamaya magsabi ako sa inyo ng mga bagay-bagay na part nung terms ng deal namin, hindi lumusot sa COA. Matagal po ‘yung proseso. Marami pong inaayos. But, all of the parties are very positive of our negotiation.

“Matagal na po ‘to, nag-start kami nung few months ago. Until now, we’re still discussing our partnership or kung ano mang nature ng aming relationship,” dagdag pa ni Ms. Ana.

May mga iba pang ibinahagi si Ms. Ana pero hindi pa puwedeng isulat dahil ayaw naman niyang pangunahan pa lalo’t na’t hindi pa nagkapirmahan.Pero nakita na namin ang studio na gagamitin sa programa niya. Malaki ito at accessible sa mga tao dahil nasa Visayas Avenue, Quezon City lang ito.

Ayaw raw ni Willie na ilagay siya sa noontime.
Since government station ang PTV 4, natitiyak nilang hindi sila maglalabas ng pera para sa programang ito.

Wala raw suweldo dito si Willie dahil nasa production na rin naman niya.

Pati ang mga papremyo ay hindi manggagaling sa PTV 4 dahil under sila sa COA o Commission on Audit. Kukunin ito ni Willie sa sponsors niya.

Samantala, balik-TV na rin si Cong. Erwin Tulfo, at meron siyang programa sa PTV 4 na Punto Asintado Reload kasama niya rito ang veteran broadcaster ding si Aljo Bendijo.
Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes ng 10 ng umaga.

Sa mediacon din ng PTV 4 ay inilunsad nila ang mga bagong programa na Bagong Pilipinas Ngayon na mapapanood din ng Lunes hanggang Biyernes ng 12 ng tanghali na ihu-host naman ni Nina Corpus, kasama si Chi Atienza bilang segment host.
May mga bago pang naka-line up na isang commentary program na Mike Abe Live ng 9 ng umaga Lunes hanggang Biyernes din.

Eric, hinahayaang rumaket ang mga alaga

Natutuwa si Shira Tweg sa suporta ng Star Center ng Net 25 sa lahat na mga ginagawa nila lalo na ang mga raket sa labas ng network.

Ongoing pa rin kasi ang workshop nila at training sa Star Center sa ilalim nang pamamalakad ni direk Eric Quizon.

Ngayong araw ay isa si Shira sa magpi-perform sa Himig ng Kabataan para sa Kapayapaan na gaganapin sa Quezon City Memorial Circle.

Sinasabi naman ni direk Eric na hinahayaan nila ang talents nila na tumanggap ng guestings at iba pang projects sa labas ng Net 25 dahil mas magandang ma-experience nila ito.

Isa sa maraming nakakatanggap ng raket itong 16-year-old talent ng Dragon Artists na si Shira.
Nae-enjoy niya nang husto ang experience na ito na nakakatrabaho niya ang ilang kilalang perfor­mers.

Nai-release na ang first single ni Shira na Pag-ibig at may iri-record daw siya ng pangalawang single niya under Star Music.

Magandang training daw itong mga ginagawa niyang guestings at performance sa shows ng ibang kilala at magagaling na artists.

Handa na ba si Shira na magkaroon ng sarili niyang concert? “Siguro ‘pag nakagawa na po siguro ako ng first album ko,” pakli ni Shira.

Sinu-shoot niya ngayon ang pelikulang Siga ng Tondo na bale comeback movie ni Rhene Imperial.

Sa Sept. 15 ay matatapos na ang workshop nila Shira sa Net 25, at ia-announce na kung ano ang show na gagawin niya sa naturang TV network.
 

vuukle comment

WOWOWIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with