^

PSN Showbiz

Robi, abala sa kasal nila ni Maiqui

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Robi, abala sa kasal nila ni Maiqui
Robi at Maiqui
STAR/ File

Kinuwestyon ang mga pangyayari...

Kamakailan ay naibahagi ni Robi Domingo sa kanyang Instagram account ang larawan ng kasintahang si Maiqui Pineda na nakahiga sa isang hospital bed.

Mayroong autoimmune disease ang dalaga. Ayon kay Robi ay tuloy na tuloy pa rin ang kanilang planadong pag-iisang dibdib kahit mayroong karamdaman ngayon si Maiqui. “We talked about it. And honestly because of her condition, I was the one who told her baka dapat i-delay natin ng konti. Kasi medyo iniisip ko na ‘yung health niya. And then, siya ‘yung nagsabi na ‘Don’t, give me something to hope for.’ And upon hearing that, siyempre iyak ako. Lalaban tayo, lalaban,” pagtatapat ni Robi.

Ngayon ay mas bumubuti na umano ang kondisyon ni Maiqui. May mga pagkakataong kinuwestiyon daw ni Robi ang mga pangyayari. “Long way to go pero malayo doon sa image ko na nakikita ko sa kanya na nasa hospital bed. Now she can walk properly. Of course, ang dami kong question especially about my faith. ‘Bakit siya? Bakit ngayon pa? Bakit sa dinarami-rami ng tao, bakit kami pa ‘yung naapektuhan? But you have to cling on to those strands of faith. And also just looking at her and her progress, ‘yon ang nagbibigay ng lakas sa akin na, ah okay lumalaban siya. Mas iyakin talaga ako. Now we have accepted the fact that we have a working prognosis. Not just in terms of her health pero how we could fix our relationship, not just with us but with the Lord,” makahulugang pahayag ng TV host.

Dahil sa pagkakaroon ng karamdaman ng dalaga ay si Robi na ang nagtuloy sa pag-aasikaso ng mga kakailanganin para sa kanilang kasal. “Ako ang groomzilla ngayon. Ako ang nagha-handle ng lahat ng mga bagay kaya medyo nakaka-pressure, nakaka-stress. But it’s the details that count eh, na okay kailangan ako na bahala, relax ka na diyan,” pagtatapos ng binata.

Martin, gustong alamin ang kwento ng mga Pinoy sa Milan

Sa Sept. 10 na gaganapin ang ASAP Natin ‘To Milan sa Mediolanum Forum, Assago, Italy. Sobrang excited na ni Martin Nievera dahil muling makapagbibigay ng kasiyahan sa mga kakabayan nating nasa Europe. “That is what TFC (The Filipino Channel) has been doing. We bring the Philippines to you. The world class entertainment as we see it, sa lahat ng Kapamilya. In every show we have done abroad, I feel our role is to get their home sick, to be proud Filipinos and to be proud Filipinos in a foreign land, which now they call home,” nakangiting pahayag ni Martin.

Para sa singer ay kailangang pahalagahan ang lahat ng mga Pinoy na nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ring alamin ni Martin ang iba’t ibang kwento ng buhay ng ating mga kababayan sa Milan. “They gave up a lot to look for greener pastures. And now, they are the pride of the country. They show the world how great, hardworking and dedicated and honest Filipinos can be. In all our trips as Kapamilya, I am looking forward the most is the new faces. I want to know their stories, how they are doing. I want to tell them once and for all that we are so grateful and so proud of them. When we do our shows, we reach to audience and let them believe we are one big family,” paliwanag ng Concert King.  (Reports from JCC)
 

vuukle comment

ROBI DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with