^

PSN Showbiz

Beaver at Mutya, excited sa isa’t isa

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Beaver at Mutya, excited sa isa�t isa
Mutya at Beaver
STAR/ File

Dire-diretso raw ang shooting pelikulang Magic Hurts, ang launching movie ng love­team nina Mutya Orquia at Beaver Magtalas ng Rems Entertainment Production sa ilalim ng direksyon ni Gabby Ramos.

Ang Magic Hurts ay inspired sa pelikulang Got 2 Believe nina Claudine Barretto at Rico Yan.

First ever movie ito ni Mutya na matagal nang artista pero ngayon lang gumagawa ng pelikula.

Tumatak ang pagiging sirena niya sa Mutya (2011), ang batang si Jade Dimagiba (Kim Chiu) sa My Binondo Girl (2011 hanggang 2012) at ang pagiging si Abby Lim niya sa Be Careful With My Heart (2012 to 2014).

Nagsimula si Mutya sa showbiz noong four years old pa lang siya, ipinakilala bilang ang batang Sabel sa primetime romance-drama na may parehong titulo, na pinagbidahan ni Jessy Mendiola (2010).

Pero ‘yun nga, ngayon lang siya magiging bida sa pelikula.

Kind-hearted na mahilig sa flowers na nakatira sa Atok, Benguet ang role niya sa Magic Hurts. “Anak po ako ni Tito Dennis (Padilla), ay hindi more like inampon ni Tito Dennis.”

Kahit small role sa pelikula wala siyang ginawa? “Sa movie, wala po talaga. Never po. Before po meron pong inquiry kaso po hindi po kinaya ng schedule dahil sa taping noon ng Be Careful with My Heart.”

Si Beaver naman nagbida na sa pelikulang Genius Teens.

Nasa Atok, Benguet na sila last week pa pero ‘yun nga naapektuhan daw sila ng slight ng masamang panahon.

Anyway, si Beaver naman bukod Magic Hurts ay excited sa binubuong grupo ng Star Hunt na Gitara Boys.

“ Apart from this is ‘yung Gitara Boys po. Gusto ko rin pong tutukan music ngayon. So we’re basically a group of boys po na naggi­gitara then kakanta rin po.”

Sino mga kasama mo sa Gitara Boys?

“Originally po... hindi ko alam kung makakasama ko po si KD Estrada po. Hindi po namin sure kung matutuloy kasi he’s very busy po talaga these days. Kasama rin po si Drei Sugay. Majority of them came from singing competitions po talaga. So talagang nag-aaral po akong kumanta kasi I started naman po talaga sa acting. Recently ko na lang din po nadevelop ‘yung singing voice ko,” banggit ni Beaver sa interview namin sa ginanap na mediacon last week for Magic Hurts.

Matagal na raw siyang marunong maggitara. “Yes po. Well, hindi ko naman po masasabi na magaling na magaling pero yes po.”

May chance nga raw na ito ang umawit ng kanilang theme song na Got to Believe na version ni David Pomeranz.

“Pwede naman daw po, yes. Sana nga po if possible baka rin po. Pini-perform ko naman na rin po ‘yun when I have gues­tings and ngayon po mape-perform ko na s’ya for promotion na din po siguro nito pagkatapos ng shooting namin,” ayon pa sa young actor na apo ni former Makati Vice Mayor Ernesto Mercado.

vuukle comment

GABBY RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with