^

PSN Showbiz

Pira-Pirasong Paraiso patok sa viewers, trending sa social media

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pira-Pirasong Paraiso patok sa viewers, trending sa social media

Mainit na sinalubong ng netizens ang Pira-Pirasong Paraiso, ang co-production teleserye ng ABS-CBN at TV5, pagkatapos mag-trending ang pilot episode nito noong Martes (Hulyo 25).

Ipinakilala sa unang episode ang mga Abiog, isang pamilya ng mga magnanakaw kasama ang magkapatid na babaeng sina Baby (Loisa Andalio) at Hilary (Elisse Joson), na ang tanging pangarap lamang ay makaahon sa hirap. Lalo silang magsusumikap sa kanilang mga misyon kahit na muntik na silang pumalpak at mabisto ng isang pulis na si Jonaf (Ronnie Alonte) at ng mayamang dalagang si Diana (Charlie Dizon).

Sa social media, ibinahagi ng netizens ang kanilang papuri sa kahanga-hangang aktingan ng cast at ang mga nakakapigil-hiningang mga eksena na pumukaw sa kanilang mga emosyon. Nakakuha rin ang episode ng 54,547 live concurrent views sa Kapamilya Online Live sa YouTube

Sa pagpapatuloy ng kwento, dapat abangan ng mga manonood ang pagpasok ng mga karakter nina Alexa Ilacad, KD Estrada, at Joseph Marco na magdadagdag ng tensyon sa istorya. Masasaksihan din ang pagpanggap ni Baby bilang ang nawawalang kapatid ni Diana, at kung paano magiging isyu ito sa mga tao sa kani-kanilang buhay, kabilang dito ang journa­list na si Angela (Alexa).

Napapanood ang Pira-Pirasong Paraiso, Lunes hanggang Biyernes ng 3 p.m. at kada Sabado ng 2:30 p.m., sa Kapa­milya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

GMA Gala 2023, may 400 million views na!

Bongga ang katatapos lang na GMA Gala 2023 na so far ay biggest event ng entertainment industry this year!

Umani na ng 400 million video views ang #GMAGala2023 sa lahat ng social media posts ng GMA Network, Sparkle GMA Artist Center, at celebrities!

Umabot naman sa 3.8 million views ang livestream ng red carpet event sa social media accounts ng GMA at Sparkle!

Marami ang nag-abang sa pabonggahan ng gowns at suits ng mga Kapuso star at iba pang special guests! Pero bukod sa mala-fashion show ito, isa ring fundraising event ang GMA Gala.

Sa tulong ng sponsors, ang bahagi ng nalikom ng Network ay ibinigay sa GMA Kapuso Foundation.

vuukle comment

LOISA ANDALIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with