^

PSN Showbiz

Japan, Japan na!

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

3years ago nang huli kaming bumisita sa Japan. Kadalasan dyan ako nagse-celebrate ng birthday ko.( para iwas sa panlilibre ng friends!) Bilang medyo maluwag na sa mga travels, balik kami ng Japan para magbakasyon at mahagip ang araw ng birthday ko. (June 8 po! Pwede pa magbigay ng harbat ha!) Medyo marami na ring kaming naikutang lugar dito sa pagdaanan ng panahon pero ‘di naman kami nagsasawang balikan. Tokyo ang napili naming bisitahin ulit. (feeling haponesa!)

Isa sa unang kong ginagawa dyan, ang pumunta sa Family Mart, para kumain ng cream puff. Para ko ‘yang vitamins sa Japan, three times a day ako kung lumafez nyan! (mapapa-p*ny*ta ka sa sarap!) Hindi rin ako tatanggi kung araw-araw kong tikman ang ramen, sushi, shashimi sa iba’t ibang restaurants. (bet ko mga hilaw ha!) Ibang level din sa sarap ‘yung mga pagkaing nabibili sa mga convenience stores at groceries. (walang magugutom!)

Hindi nawawala sa itinerary namin ang pagtambay sa Shibuya Crossing with matching pictorial at video coverage ng aming pabalik-balik na pagtawid. (agaw eskena talaga kami ganyan!) Kailangan din ng photo op sa rebulto ng sikat na asong si Hachiko na ‘di ko na mabilang ang photos namin together. (kahit ‘di naman kami close!)

Dumaan din kami ng Yokohama para ma-experience ang Cup Noodles Museum kung saan gumawa kami ng personalized cup packaging at flavor ng noodles. (ibenta ko kaya ‘yung sakin?!) Go rin kami sa Ramen Museum na maliban sa history ng ramen ay may Old Tokyo attraction din sa loob. (‘yung feeling mo dinala ka sa lumang panahon!)

Bilang fan ni Gundam ang mga kasama ko, punta kami ng Odaiba para mag-picture sa higanteng robot. (sorry si Shaider ang bet ko!)

Tokyo Disneyland naman ang napagtripan namin sa mismong araw ng birthday ko. Nakailang beses na rin kami nakapag-disneyland pero sabi ng mga kasama ko, bongga raw if ang birthday photos ko ay nasa happiest place on earth ako. (so, for social media purposes pala ito!) Bilang adventurous ako, ever since, nakakatulog talaga ako sa mga pamba-tang rides, pang roller coaster talaga ang beauty ko. (madalas ayaw nila akong samahan kaya mag-isa akong sumasakay!)

Bago kami umuwi, pumunta kami sa Fuga Tattoo Shop sa Shinjuku.  (sana part owner ako bilang may Fu sa title!) Nagpa-tattoo kami ng forever travel partner kong si Bryan. First timers kami, kaya espesyal ito, lalo na sa akin na medyo matagal ko nang iniisip pero medyo takot if itutuloy. (like a virgin ang peg!) ‘Yung favorite kong Hebrew letters ang ipinalagay ko, bilang tribute ko na rin sa spiritual wisdom na Kabbalah. (kunwari spiritual ako!) Salamat kay artist Won at naging swabe ang session. (niyakap ko pa si ate at nag- I love you sa sobrang tuwa!)

Thank you Japan, babalik balikan ka talaga namin! Thank you rin sa mga nagpaabot ng birthday greetings!  (pwede pa mag-abot ng cash o kahit Sodexo GC! Sodexo?!)

 

(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon.

FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com)

vuukle comment

JAPAN

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with