^

PSN Showbiz

Showbiz, kailangan ng big push!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Parang I feel blue thinking na hindi umaandar ngayon ang showbiz, na para bang naka-stuck up dahil kailangan ang big push.

Sayang dahil ang dami ngayong stars na naghihintay ng work, at ang mga production staff na nakatengga. Pero malay natin bigla na lang uminit at hanapin ng mga mahilig sa entertaintment ang local stars natin. Biglang maisip nila na matagal nang hindi napapanood si ganito at ganun na stars.

Hay naku, kailangan na talaga ang maingay na project na magbabalik-init sa showbiz.

‘Feeling well loved…’

Talagang hindi ko kayang hindi pasalamatan ang mga taong sobrang nagbigay ng happiness sa 76 years ko.

Sobra naman ang pag-asikaso at regalong ibinigay nina Mama Alice Eduardo, Rubby Coyuito, Mama Susan Co at Dra. Vicki Belo.

Grabe ‘yung gift nila na dinagdagan pa ng food kaya talagang busog at halos one week yata kaming hindi magluluto. Grabe talaga na pati si Ms. Annette Gozon Valdes talagang nag-effort na padalhan ako ng mga pagkain.

So feeling well loved talaga. Overflowing gratitude sa lahat ng pagmamahal na natatanggap ko.

Sharon at Ciara, huli ang pagma-marites!

Ang cute naman nina Sharon Cuneta at Ciara Sotto. Nakuhanan ang kanilang ‘marites’ moment.

Aliw na aliw ang netizens sa kanila lalo na sa reaction ni Ciara sa kuwento ni Sharon.

Mukhang juicy raw ang tsikahan ng magpinsan.

Kinuhanan daw sila ni Vic Sotto habang nasa bahay siya nina Tito Sotto and Helen Gamboa.

Caption ni Sharon, “Huling-huli kaming magkapatid ni Ciara na nagbubulungan na wala talagang makarinig kundi kami!”

Marami tuloy ang na-curious kung ano ang pinag-uusapan nila. Bongga.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with