^

PSN Showbiz

Matapos ang mga hanash ng komedyana... Lee, nagsalita sa totoong lagay nila ni Pokwang

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Matapos ang mga hanash ng komedyana... Lee, nagsalita sa totoong lagay nila ni Pokwang
Lee

Kabilang ang American actor na si Lee O’Brian sa pelikulang Sandwich na directorial debut ng protégé ni direk Brillante Mendoza na si Jao Elamparo.

Dumalo ito sa presscon at screening ng naturang pelikula nung nakaraang Miyerkules na ginanap sa Center Stage Productions sa Mandaluyong.

Tipid ang mga sagot ni Lee pagdating sa isyu nila ni Pokwang. Sinasabi nga niyang ina ito ng pinakamamahal niyang anak na si Malia.

Wala siyang sinasabi laban sa dating partner, pero aware naman daw siya sa mga ipinu-post ni Pokwang. “All I can say is, I love my daughter more than anything in this world.

“And you know what, I always have love for the mother of my child because she brought my child in this world. And that’s my story. That’s all I can say.”

Hindi lang niya idinetalye kung ano ang susunod na mangyayari. Pero may mga pag-uusap naman daw sila. Basta ang gusto lang daw niya ay maayos ang lahat.

Umiiling siya nang hiningan namin siya ng mensahe para kay Pokwang. “I hope for the best for everyone involved, the most for my daughter,” sabi lang ni Lee.

Tuluy-tuloy lang ang trabaho niya at kasama nga siya sa pelikulang Sandwich na mapapanood sa Vivamax sa darating na May 19. Mapangahas ito dahil pawang palaban ang lahat na main cast na sina Nico Locco, Kat Dovey, Luke Selby at ang apo ni Marissa Delgado na si Andrea Garcia.

Clint, may kapalit na sa buhay ng ‘Miss U’

Ito palang pelikulang Sandwich ang nai-shoot ni Nico pagkatapos pumanaw ang manager niyang si Shandi Bacolod.

Unti-unti pa lang siyang nagri-recover sa trauma na nangyari sa kanya nung pumanaw ang kanyang manager sa Thailand.

Nung nasa Thailand ang Italian model/actor ay na-meet niya roon at nakapagtrabaho sa producer ng Miss Universe na si Anne Jakrajutatip ng JKN Global Group.

Nandito ngayon sa Pilipinas si Anne, pero hindi pa raw sila nagkita ni Nico dahil abala rin daw siya.

Sinagot ni Nico ang intriga sa kanila ni Ms. Anne Jakrajutatip, na aware naman daw siyang na-link silang dalawa. Nagkaisyu kasi itong si Anne kay Clint Bondad at nag-sorry pa ito noon kay Catriona Gray.

Pagkatapos kay Clint, si Nico naman ang susunod na naintriga sa bilyonaryang Thai transwoman. “Close kami in terms of work? I mean, I’ve really enjoyed working for JKN and for Miss Universe. Sana, more opportunities in the future,” pakli ni Nico.

Sanay na raw siya sa ganung intriga kung sinong inili-link sa kanya. Pero nagpaliwanag pa rin ang Italian actor dahil talagang nagtrabaho lang daw siya sa Miss Universe na pag-aari ni Anne.

“Narinig ko ang lahat ng comparisons. Like, Clint was the guy before… then everybody was looking at me na ako ‘yung bagong Clint right?” tugon ni Nico.

“Dedma lang ako sa mga comment. Kasi it’s completely different situation e. It’s just so happened na pumunta ako sa Thailand, sa work with JKN. This is for the Miss Universe right? So, nagkataon lang na she became the owner. I think it was just right place, right time,” dagdag niyang pahayag.

Lovi, dumami ang raket

Hindi maitatangging malaki ang nagawa ng Batang Quiapo kay Lovi Poe. Isa na rito ang mga endorsement na ipinagkatiwala sa kanya.

Ang ganda kasi ng role niya sa teleserye nila ni Coco Martin, kaya kasunod nito ay endorsements kagaya nitong Eevor Skin Care Depot o SCD na pag-aari ni Ms. Grace Mangulabnan-Angeles.

Sa pictorial pa lang at video shoot nito ay bongga na ang paghahanda nila.

Sa Subic Bay ang shoot na kung saan namataan doon si Lovi na nangangabayo.

Akala ng karamihan, eksena ‘yun para sa Batang Quiapo, ‘yun pala para sa shoot ng Eevor Skin Care Depot na ginastusan nila nang husto.

Sabi naman ni Ms. Grace Mangulabnan-Angeles, anything ang everything daw ay ibibigay nila para maganda lang ang kalalabasan ng endorsement na ito ni Lovi.

vuukle comment

LEE O’BRIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with